SIXERS TUMABLA SA HAWKS

Joel Embiid Dominates in Sixers' Game 2 Win Over Atlanta Hawks - Sports  Illustrated Philadelphia 76ers News, Analysis and More
Sixers defeat Hawks in Game 2: Postgame analysis

NAKATABLA ang Philadelphia 76ers sa kanilang best-of-seven semifinal series laban sa Atlanta Hawks (1-1) matapos magwagi sa Game 2, 118-102 kung saan nakagawa ng 40 points si Joel Embiid upang pangunahan ang kanyang koponan.

Ang Sixers na maagang nagparamdam ng kanilang lakas sa first quarter ay nakapaglagay ng 13 puntos na agwat sa pagtatapos ng yugto, 33-20 subalit naging maluwag sa second quarter kung saan nagawang muling makadikit ng Hawks sa 57-55.

Subalit ang pahirapang third quarter ay naging malaking hadlang sa pagsisikap ng Atlanta na makatabla man lamang o makadikit sa pitong puntos na kalamangan ng Sixers na naging pundasyon upang makaalagwa na nang tuluyan sa final quarter.

Nalimitahan lamang sa 18 puntos na produksyon ang Hawks sa final quarter laban sa 27 points na naiukit ng Sixers.

Si Trae Young na nanguna sa kanyang koponan noong Game 1 ay nakagawa lamang ng 21 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *