BEA ALONZO, KAPUSO NA?

Usap-usapan ngayon na ang aktres na si Bea Alonzo ang tinutukoy sa lumabas na teaser ng GMA-7 na “AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO!”

Inilabas ng Kapuso network ang nakaka intrigang teaser kahapon Hunyo 29, 2021.

Kung susuriin nga naman ang naturang pahayag ng network kapansin pansin ang mga  salitang “AN AWARD-WINNING ACTRESS” at “BE A” na hindi maikakaila na ilan sa diskripsyon ng aktres.

Nagsimula ang balita ng lipatan dahil sa pelikulang “A Moment to Remember” kung saan pagsasamahan nila ni Alden Richards.

Bagamat wala ginawang pag-amin napabalita ang pagkakaroon ng negosasyon sa kampo ng aktres at management ng Kapuso network nitong mga nakaraang buwan.

Ang nabanggit na pelikula ay co-production venture ng Viva Films at ng movie company ng GMA Network Inc. na GMA Pictures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *