LALAKI ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION

ARESTADO ang isang 38 anyos na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, Cavite.

Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Mark Velasco y Quilao at residente ng nabanggit na lugar kung saan nakumpiska mula sa kanya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at dalawang one hundred peso bill na buy-bust money sa isinagawang operasyon kahapon dakong alas-4 ng hapon.

Ang pagkakaaresto sa naturang suspek ay bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng DEU operatives ng Tagaytay CCPS.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang naarestong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *