3 MILYON PANG DOSES NG BAKUNA PARATING NA SA BANSA

HUMIGIT 3 milyong doses ng bakuna laban sa Covid-9 ang inaasahang darating ngayong Linggo ayon sa pahayag ng Malacañang.

Batay sa pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na nasa 2.5 milyon doses ng Sinovac at 562,779 Pfi¬zer ang darating sa bansa.

Ayon pa kay Roque, ang 1.5 milyon ng Sinovac ay darating ngayong Huwebes samantalang ang 1 milyon ay bukas, Hulyo 23. Ang 562,779 doses na gawa ng Pfizer na binili ng gobyerno ay inaasahang dumating kahapon, Hulyo 21.

Muling hinikayat ni Roque ang mga mamamayan na magpabakuna na upang tumaas ang proteksiyon laban sa mas nakakahawang Delta variant.

Tiniyak din ni Roque na ang mga bakuna na nasa bansa ay epektibo laban sa nasabing variant.

Samantala, inihayag din ni Roque na mahigit sa 5 milyon ang nakatanggap ng second dose ng bakuna. Sa 15.6 milyon doses na naiturok na bakuna, 10,585,261 milyon indibiduwal na ang nabigyan ng first dose at 5,031,301 ang naturakan ng second dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *