ALASKA, BUHAY PA!

Alaska lives to fight another day, forces sudden death vs NLEX | GMA News  Online

HINARANGAN ng Alaska Aces ang asam na unang bangkuan sa semifinals ng NLEX Road Warriors makaraang silatin ang huli, 93-79 sa kanilang unang laro sa quarterfinals at hatakin sa isang mas exciting na do-or-die match ang kanilang maikling serye sa pagbubukas ngayon ng ikalawang round ng PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Taglay ang twice-to beat advantage at asam na mapatalsik nang mas maaga ang Alaska, binuksan ng NLEX ang first quarter sa kanilang mainit na simula.

Matapos ang magandang umpisa ng NLEX sa first half kung saan nagawa pa nilang makalamang ng 16 puntos, 32-16 sa second quarter bago pinainit ni Jeron Teng ang kanilang opensa hanggang sa maagaw ang manibela sa 40-38 matapos ang 15-0 run patungo sa pagtatapos ng ikalawang yugto.

Buhat doon ay hindi na muli pang nilingon ng Aces ang Road Warriors at patuloy na sinagasaan ang depensa ng mga bataan ni coach Yeng Guiao sa third quarter patungo sa pinal na yugto at nilamangan pa ng 17 puntos ang NLEX, 84-67 sa dulong bahagi ng second half.

Nakapagtala ng double-double ang kanilang bagong import na si Mark Saint Fort na nakahalili ni Olu Ashaolu na nakapag-ukit ng 17 points at 14 rebounds.

Tinanghal na best player of the game si Teng sa kanyang nagawang 16 points at 6 rebounds habang nakapag-ambag naman ng 12 points at 10 rebounds si Abu Tratter at si Mike Tolomia ay may nailistang sampung mahahalagang puntos para sa kanilang panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *