LABAN NG LAHI PLATOON RUN CHALLENGE 2022

LABAN NG LAHI PLATOON RUN CHALLENGE 2022

May be an image of 1 person, fire and text

BILANG patuloy na pagtulong sa mga livelihood at community projects sa mga lalawigan ng Mindanao kasama ang inaasahang pagtala sa Guinness Book of World Record ay muling inilunsad ang Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ng Camboayan Sports, kung saan target ng marathon na makabuo ng 100,000 mga kalahok ngayong 2022 habang patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inaasahan ni Joenel Pogoy, founder at organizer ng naturang event at partner ang Prai Partylist na ang open competition na ito ay darayuhin din sa Abril ng mga dayuhang platoon runners bukod sa mga local competitors na bubuuin ng 33 runners kung saan ay tatlo rito ay babae at karamihan ay pawang mga kalalakihan na at kasama na sa bilang ang 2 manager ng tropa.

Tatahakin sa 23 kilometrong distansiya ng sabay-sabay na pagtakbo ng 33 runners ang 7 adventure challenges.

Tampok din bilang side event sa kompetisyon ang pakain sa mga bisita ng 1 kilometro haba na puro litsong baboy at 500 metrong haba rin ng pawang mga litsong turkey din ang nakalatag na tiyak na magsisilbing kapistahan sa isang siyudad sa Mindanao.

Nabanggit din ni Pogoy na sa sandaling may isang miyembro ng platoon na hindi makatapos sa pagtakbo ay papatawan ito ng team penalty.

Idaraos ang qualification challenge sa Abril habang sa Setyembre ang National Finals sa Bislig City at ang pinaka-pinal na Laban ng Lahi Platoon Run Olympics ay sa Disyembre 16-18 sa hindi pa batid na venue.

Sa ngayon ay bukas na ang pagpaparehistro sa halagang P200,000 para sa Olympics entry fee habang may 10 koponan na ang nakapagpalista para sa premyong P10-M para sa grand champion sa Olympics habang P3-M sa national finals.

Ang TOPS Usapang Sports ay suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement Gaming Corporations (PAGCOR) at Games and Amusement Board (GAB). (Genie Villota)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *