MANDATORY SIM CARD REGISTRATION BILL o SENATE BILL NO.1310, APRUBADO NA SA IKALAWANG PAGBASA SA SENADO

MANDATORY SIM CARD REGISTRATION BILL o SENATE BILL NO.1310, APRUBADO NA SA IKALAWANG PAGBASA SA SENADO

MATAPOS na makalusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill no.14 o SIM Card Registration Bill sa botong 250-6-1, aprubado na rin sa ikalawang pagbasa sa Senado ang SIM Registration Act (Senate Bill No.1310) na makakatulong upang matukoy ang mga pasaway na gumagawa ng mga panloloko, pananakot at kung anu-ano pang scams gamit ang cellphone.

Ayon kay Senator Grace Poe, chairperson ng Senate public services committee, sakali at ganap nang maisabatas ito ay oobligahin ang lahat ng authorized seller o public telecommunications entity (PTE) para tiyakin na sinumang SIM card user, dayuhan man o filipino ay magparehistro ng kanilang mga prepaid Sim kung saan ay ibibigay ng mga ito ang kanilang personal na impormasyon at kinakailangan din na magpresinta ng government valid id at documents.

Sinabi pa ng senadora na makakatulong ito upang mapigilan na ang napakaraming krimen at mga iligal na gawain gamit ang mobile phone mula sa texts scams hanggang sa terrorist activities.

Sa ilalim ng bill na ito, ang mga menor de edad na nais magkaroon ng sarili nilang SIM card ay gagamit naman ng pangalan ng kanilang mga magulang o guardians sa pagpaparehistro nito.

Ang anumang information na ilalagay sa registration document ay pananatilihing confidential maliban na lamang kung papayagan ng subscriber sa pamamagitan ng isang kasulatan at ilalabas lamang ang impormasyon kung sakali at iniuutos ito ng husgado o law enforcement upang magamit sa isang imbestigasyon.

Kahit ang mga lumang SIM cards na ginagamit sa kasalukuyan ay kasama rin sa kailangang iparehistro sakali at maging ganap na ang batas na ito.

Sakali at lumabag rito ang isang authorized seller ay mapapatawan ito ng parusang suspensyon at multang aabot sa P50,000 habang P300,000 hanggang isang milyong piso naman ang parusa naman sa PTE sakali at lumabag sila sa batas na ito.

Matatandaan na nai-veto na ang batas na ito noon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil kinakailangan pa umano na suriin muna ito at pag-aralang mabuti bago maisabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *