PANUKALANG BATAS PARA IPAGPALIBAN ANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN (SK) ELECTIONS, LUSOT NA SA KAMARA

PANUKALANG BATAS PARA IPAGPALIBAN ANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN (SK) ELECTIONS, LUSOT NA SA KAMARA

MAS lumilinaw na ngayon ang posibilidad para sa postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakdang idaos sa darating na Disyembre 5, 2022 matapos lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 4673 na naglalayon na iatras ang naturang halalan at sa halip ay ituloy na lamang sa December 4, 2023.

Sa botong 264 affirmative votes, 6 negative votes at 3 abstentions ay naaprubahan ang naturang panukalang batas kung saan ay isinasaad ang pagpapaliban ng halalan sa darating na Disyembre sa taong ito at sa halip ay gaganapin ito sa unang Lunes sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon habang ang susunod pang synchronized barangay at SK elections ay idaraos naman sa unang Lunes ng Disyembre taong 2026 at tuluy-tuoy na isasagawa tuwing ikatlong taon.

Ang pinakahuling barangay at SK elections ay idinaos noong taong 2018 matapos na dalawang ulit na ma-postponed.

Samantala, naihain na rin sa Senado ang Senate Bill no. 1306 na may katulad ding nilalaman at inaasahang mabilis na aaprubahan ito upang maihabol na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand ” Bongbong ” Marcos bago pa man sumapit ang itinakdang araw ng botohan sa Disyembre 5, 2022.

Matatandaan na una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tuloy lamang sila sa kanilang mga ginagawang paghahanda para sa nalalapit na barangay at SK elections at ipagpapatuloy lamang nila ito hanggat walang batas na na mag-uutos sa kanila para ipagpaliban ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *