KAMPO NG AKTOR NI VHONG NAVARRO HIHILING NA MAKAPAG-PIYANSYA SA KASONG RAPE

KAMPO NG AKTOR NI VHONG NAVARRO HIHILING NA MAKAPAG-PIYANSYA SA KASONG RAPE

MAGSASAMPA ng petisyon ang kampo ng aktor na si Vhong Navarro para makapag-piyansya ito kasong rape na isinampa dito.

Kinukuwestiyon ngayon ng abogado ng aktor sa kanilang inihaing motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA) ang pag-usad ng kasong rape.

“Under the rules, dapat hindi tumuloy ang kaso na ito. That is the reason why part of the thing we will do is we will file a motion for reconsideration both doon sa kasong acts of lasciviousness at pati na rin doon sa rape kuno against kay Vhong Navarro,” ayon kay Atty. Alma Mallonga.

Hindi rin umano siya makapaniwala sa paglalabas ng korte ng kambal na arrest warrants laban kay Navarro at iginiit na hindi sila nabigyan ng kopya ng ikalawang warrant of arrest o court resolution man lamang sa inihaing kaso laban sa kaniyang kliyente.

Unang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro nitong Lunes makaraang maglabas ang korte ng arrest warrant sa kasong acts of lasciviousness na inihain ng mo¬delong si Deniece Cornejo.

Kasunod nito ang pagpapalabas ng ikalawang warrant para naman sa hiwalay na kasong rape na inilabas naman ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 presiding Judge Loralie Cruz Datahan.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa naturang kaso dahil sa hindi ito bailable.Dahil dito nakulong si Navarro sa NBI Custodial Center habang nakatakdang kumuha ng kopya ng arrest warrant at court resolution si Mallonga para makapaghain na agad ng motion for reconsideration at petition for bail.Bagamat maayos ang pisikal na kundisyon ni Navarro, tiyak naman niyang hindi maayos ang emosyonal na kalagayan niya dahil sa pag-aakala noon na patapos na ang kaso. Tiwala naman umano sila sa NBI na magiging ligtas ang kaniyang kalagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *