PATAY NA SANGGOL BUMARA SA LOOB NG DRAINAGE SA QUIAPO

PATAY NA SANGGOL BUMARA SA LOOB NG DRAINAGE SA QUIAPO

NATAGPUAN ang isang patay na sanggol sa loob ng isang drainage pipe sa -Quiapo, Maynila habang nililinis ito sanhi ng pagbabara nito kahapon ng umaga.

Bandang alas-8:30 ng umaga, nang bumulaga sa mga obrerong sina Eric De Jesus at Alvin Allida ang sanggol na lumulutang sa binuksan nilang drainage sa harap ng Bautista Building na matatagpuan sa Farnecio St., Brgy. 385, Quiapo.

Sinabi ni De Jesus na inupahan sila na maglinis ng baradong inidoro at drainage ng naturang gusali.

Binuksan ni Allida ang takip ng drainage at dito tumambad ang palutang-lutang na sanggol na nakataob.

Agad nila itong ipinagbigay-alam kay Amelia Bubon, isa sa nangungupahan sa gusali, na siya namang nag-ulat sa barangay at sa Barbosa Police Station 14.

Dinala na sa punerarya ang naturang bangkay habang patuloy ang masusing imbestigasyon dito ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *