MIGUEL TANFELIX IMPRESSING YSABEL ORTEGA

MIGUEL TANFELIX IMPRESSING YSABEL ORTEGA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revila@gmail.com'
No description available.
No description available.

MARAMING Kapusog netizen’s ang tuwang tuwa sa pasabog ng Kapuso Primetime Prince na si Miguel Tanfelix ng magdance showdown ito sa All Out Sundays sa kanyang budotz moves. Kaya sobrang okey ang kanyang performance lalo na nag-double trending ito sa X o dating twitte. Talagang pinag-uusapan ang kanyang kagalingan at husay sa dance floor na sinamahan pa ng kanyang angking kagwapuhan na lalong nagpapainit ngayong summer. Ang sagot lang naman ni Miguel ay “Ginawa ko siya para sa Army na kakilala ko na malapit sa aking puso, si Ysabel Ortega”. Yan na lang ang nasabi nito dahil idolo pala ng aktor at gf ang Kpop boyband na BTS, kaya sobrang angas at inspired ito ngayong linggo kung saan ay naipamalas ang kanyang talento sa pagsasayaw. Isa si Miguel Tanfelix ang bibida sa upcoming action series ng GMA ang revival ng sikat na Ang Batang Riles kung saan ay makakasama ang ibang kapusong aktor na si Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria,at Antonio Vinzon na inaabangan na kung maging hit o miss ba ito sa Madlang Kapuso? Palapit ng palapit na rin ang latest show nitong Running Man part 2 na sa South Korea pa ang shooting kaya sobrang saya ni Miguel at nakabakasyon pa kung kailan ay winter at puting puti ang buong Korea dahil sa kapal ng snow.

Maliban kay Miguelito ay laging inaabangan ang vlog ng kanyang mahal na ina na si Grace Tanfelix na laging nagluluto ng mga paboritong pagkain, laging pikon itong paboritong anak na si Miguel dahil gigil na gigil itong naghihintay kung kailan maluluto ang katakam takam na mga ulam ni mommy Grace, kaya di mapigilang mapadami ang kain ng binata ar walang diet diet kaya pagkatapos ng bawat meals ay deretso agad itong si Miguel sa gym, para nga naman di masira ang katawan at porma. Well so far maintain naman ang kanyang kagwapuhan lalo na in demand ito sa mga out of town show at guesting kaya di nawawalan ng proyekto sa kanyang network.

No description available.
No description available.

IMELDA PAPIN AT FAITH CUNETA, BINIGYAN PARANGAL

ISANG pambihirang pagkakataon ang magkasama sa 42nd People’s Choice Excellence Award ang Queen of Sentimental Queen na si Madam Imelda Papin at ang Asianovela Diva na si Faith Cuneta na binulabog ang ballroom ng City of Dreams sa kanilang walang kamatayang mga pinasikat na kanta. Di pa rin kumukupas ang kanilang performance sa stage na kinagulat ng mga tao kung saan ba kinuha ang kanilang lakas sa pagbirit ng mga klasikong mga awitin na lage mong maalala ang nagdaang panahon kung saan ay masaya at wala ka pang alahahanin sa darating na panahon lalo na kung pagdating sa taas ng mga presyo ng bilihin kaya feel good na marinig ang kanilang handog na sumasabay at lalong tumitibay sa pag agos ng panahon. Binigyan ng parangal ang kanilang naging kontribusyon sa entertaintment si Faith Cuneta bilang outstanding female performing artist kasabay si Imelda Papin bilang Queen of Public Service Philantropist kaya malaki ang pasasalamat ng mga ito sa organizer na kinilala ang kanilang talento at kontribusyon sa magulong mundo ng showbiz.

No description available.

NAGPATAGISAN ng kakisigan ang 41 kandidato sa pinakabonggang paligsahan ng mga nagwagwapohang mga binatang Pinoy sa buong bansa, ang Mister International Philippines 2024 na ginanap sa Midas Hotel and Casino. Halos mabingi sa sigawan at hiyawan ang mga bawat supporter’s ng bawat kandidato sa pagtawag ng kanilang dinadalang probinsya na mula Luzon, Visayas at Mindanao, na talagang magugulat ka sa kanilang karisma at lakas ng sex appeal lalo na itong taga Bulacan na si Matt Gregorio na parang pinaghalong kano at Pinoy o Amerasian. Pero sabi ng kanyang madir ay pure pinoy ang kanilang lahi. Di rin nagpapahuli ang mga paborito ng mga press na si Erik Guidelano na first place na taga Rizal Province,ang second place na si Marc Louise Sarmac na taga San Fernando,La Union at ang third place na si Ian Howell Dingal na taga Misamis Occidental.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *