BALIK-TAMBALANG JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO, MAGKAKASUBUKAN KONG MAY HATAK PA SA TAKILYA

BALIK-TAMBALANG JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO, MAGKAKASUBUKAN KONG MAY HATAK PA SA TAKILYA

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies rchies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add: dd:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.
No description available.

NOON pa na-ianunsyo na magbabalik-tambalan ang mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto pero hindi naman ito ganoon naging kaingay. Siguro, dahil pareho nang merong mga dyowa sa kasalukuyan ang dalawa: si Julia kay Gerald Anderson at si Joshua sa atletang si Emilienne Vigier. Lately naman umingay sa social media ang joint teaser na inilabas ng Viva Films at Star Cinema sa kanilang social media platforms. May kinalaman ito tungkol sa “An Unexpected Comeback” project. Kanya-kanya namang hula ang netizens kung sino kaya ang tinutukoy ng dalawang film outfits na magbabalik-tambalan. May humulang ang tinutumbok ng teaser ay walang iba kundi ang tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na nakilala sa “One More Chance” at “A Second Chance.” May humirit namang ang tinutukoy daw ay ang reunion nina Kathryn Bernardo at Alden Richards after their highly successful “Hello, Love, Goodbye.” Pero, majority sa humula ay nagsabing ang subject ng teaser ay ang tambalang JoshLia. Sey naman ng kibitzers, masusubukan daw ang werpa ng dating mag-ex kung may werpa pa ang kanilang tandem. Ito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng netizens sa kanilang napapabalitang balik-tambalan. “Excited much. An unexpected reunion talaga.” “Kailangan nila ang isa’t-isa.” “Need nila ng box office hit. Wala pa kasi silang kumitang pelikula after nilang magkahiwalay.” “Gerald Anderson, watch out! Baka manumbalik ang old flame.” “In fairness, na-miss ko ang tandem nila. Sana gawin nila ang screen version ng “Paubaya.” “Paano na sina Ge at Emilienne.char.” “Kilig much. Excited sa comeback project nila.” Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan nina Julia at Joshua ay ang Vince and Kath and James (2016), Love You To The Stars and Back (2017), I Love You Hater (2018), at Block Z (2020). Bago pa nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay nagkasama rin sila sa seryeng Ngayon at Kailanman.

No description available.
No description available.

ROB DENIEL, A NEW SENSATION SINGER/SONGWRITER

PROUD ang singer-songwriter na si Rob Deniel na isang Viva artist, sa adbokasya ng RetaShow. Si Rob kasi ang naging secial guest artist sa RetaShow: QC’s Catwalk to Sustainability. Maaga palang ay halos mapuno na ang SM Novaliches Activity Center ng mga faney ni Rob Deniel para suportahan ang kanilang idolo. True enough, dumagundong ang tilian at sigawan nang ipinakilala na si Rob Deniel. Para kay Rob, sobra siyang flattered sa naging reception sa kanya ng audience. “Masaya po ako sa reception ng audience. Sobra po siyang nakaka-overwhelm,” ani Rob. Ayon pa sa simpatikong singer, proud siya na maging bahagi ng adbokasya ng RetaShow. “Isang karangalan po sa akin na makapag-perform sa isang show with a cause like RetaShow..I think, napapanahon din po siya lalo na’t nakakaranas tayo ng global warming. It’s time for us to get involved in preserving Mother Nature in an eco-conscious fashion,” paliwanag niya. Ang kanyang debut recording na Ulap ay umani ng six million hits sa YouTube noong 2020. May 55 million hits naman ito sa Spotify. May more than 4 million monthly listeners din siya sa naturang music streaming platform.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *