HEART EVANGELISTA, MULING NAKUNAN SA IKA-4 NA PAGBUBUNTIS

HEART EVANGELISTA, MULING NAKUNAN SA IKA-4 NA PAGBUBUNTIS

May be an image of 1 person and text that says 'Showbir PAMOR MORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
Heart Evangelista heartbroken over loss of 4th angel: 'I love you FrancisKo'

NOONG Linggo, mismong Mother’s Day, sa pamamagitan ng kanyanga Instagram account ay malungkot na ibinalita ni Heart Evangelista na nakunan uli siya sa ikaapat na pagkakataon. At nag-post siya ng liham para sa kanyang 4th angel na tinawag niyang FrancisKo. “A few days ago our baby boys heart stopped beating. This will be our 4th angel. And although this could be one of my biggest heartbreaks … thank You for still for trying to be with me and for making me feel so much love already,” ang bahagi ng caption ni Heart sa litrato ng kanyang handwritten letter kay Baby Francis. “Love and hope that this world could never give … i love you ‘francisKo’ i shall keep my heart intact while you find your way back to us. To all the mothers, fur moms, mothers to friends, thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle. Happy Mothers Day (FrancisKo, my Francis I love you anak),” ang pahayag pa ni Heart sa kanyang Instagram post. Ito naman ang nilalaman ng letter ng aktres, “My son FrancisKo… I was sure to meet you soon. I had prepared a few things you may like but for some reason your beating heart lost its way to us. I don’t blame you for being scared—it is a scary world but I would like to let you know I was prepared for you. Even if I am heartbroken I will keep my heart intact while you find your way back to us. Your beating heart has healed me in so many ways. I love you anak…I’ll be waiting. Mama Heart,” ang pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Matatandaan na unang nakunan si Heart noong May, 2018 na nalaglag ang kambal na kanyang dinadala at noong June, 2018, nakunan uli siya na pinangalanan naman niyang Baby Mira. Nito lamang nakaraang March, inamin ng aktres sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na sinubukan nila ni Sen. Chiz na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF. Pero hindi ito matagumpay na nabuo bago ang kanilang renewal of vows. Pinangalanan niya itong Sophia Heart. “We were expecting a baby, actually. I wasn’t pregnant but was expecting my only girl that I had left, eggs,” emosyonal na sabi ni Heart. “So at that time, I thought she was gonna make it, but she didn’t. So that one is a bit hard for me. So, I was really preparing for her. So, I really thought that I was gonna have a baby at that time I kind of felt that with everything that we went through, it was finally gonna happen but it didn’t,” sabi pa niya.

Jessa Zaragoza - 歌手 - 网易云音乐
Jessa Zaragoza age, biography | Last.fm

JESSA ZARAGOSA, PINUNA NG MGA NETIZENS HABANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN AY KUNTODO NAKA-MAKE-UP

NAGING isyu para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa Zaragoza ng mga pinggan habang kuntodo-make up at bini-video ng anak nila ni Dingdong Avanzado, na si Jayda.Tanong ng ilang bashers, kailangan daw ba talaga na naka-make up pa si Jessa kapag naghuhugas ng mga pinagkainan? Parang nagpapapansin lang daw ang singer-actress. Sa isang panayam, ipinagtanggol ni Jessa ang kanyang sarili. Ipinaliwanag niya kung bakit naka-make -up siya habang naghuhugas ng  mga pinggan.  “Ayun na nga! Ano kaya kung maghugas ako ng pinggan tapos meron akong mga diamonds, di ba? Baka may masabi na naman sila. Ha-hahaha!”natatawang umpisang sabi ni Jessa. Katwiran pa ni Jessa, “Kasi, di ba, pinapahula niya (Jayda) yung lyrics ng kanta niya sa akin? E, kasi, hindi naman yun planado.  Bigla na lang na-ambush ako habang naghuhugas ng pinggan. Wala naman kaming katulong or helper sa bahay.  Galing ako sa show noon. Nag-event kami sa St. Luke’s yata noon. Tapos, siyempre, ganu’n ako talaga kahit sa Amerika. Pagkababa ng kotse, hindi muna ako magtatanggal ng mga make-up. Hindi ako nakapagbihis, diretso sa kusina, hugas agad ng pinggan, kung ano man yung naiwanan ko du’n,” esplika pa niya.

Ibig sabihin, hindi yun ang first time na  ginawa niya yun at hindi naman talaga niya sinadya  “Ay, hindi! Hindi. Hindi pinagplanuhan iyon. Talagang ano, organic. And I’m sure maraming mga working moms ang nakaka-relate. Kasi siyempre naman, gusto kong maglinis na ng katawan, magtanggal ng make-up, pag tapos na lahat yung gawain ko. Saka ako aakyat para hindi na ako pagpapawisan pa ulit,” aniya pa. Sa tanong kung ano ang feeling niya kapag may mga namba-bash sa kanya nang dahil sa isang simpleng video. “Alam mo, sa totoo lang, ewan ko, ‘yung mga taong nakakakilala sa akin, matagal ako bago ako maasar talaga nang bonggang-bongga. Isa ako sa mga deadma talaga. So, kapag sumasagot ako na ganu’n, hindi ibig sabihin, napipikon ako. “lParang… ‘Ahh, ganun? Gusto mong maglaro? Laro tayo!’ Ha-hahaha! Ganu’n lang. “Inano ko lang. Sinabihan ko lang din, in-explain ko lang. Para ngang biniru-biro ko pa, ‘Okay na ba sa iyo ang explanation ko? Malinaw na ba?’ Ha-hahahaha! Hindi naman seryoso yun,” sabi pa ni Jessa.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally PERALTA TO ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yah 58@yahoo.co'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *