GERALD ANDERSON, NAWIWILI SA LARO NG VOLLEYBALL PLAYER NA SI VANIE GANDLER

GERALD ANDERSON, NAWIWILI SA LARO NG VOLLEYBALL PLAYER NA SI VANIE GANDLER

May be an image of 1 person, harp and text
GetBlued on X: "Congratulations to Vanie Gandler, the former Ateneo Blue  Eagle, on securing bronze medals during her remarkable professional  volleyball league debut. 💙🥉 Fly high, Vanie! 🦅 📷 Jomari Carreon  https://t.co/PChn4S2mJp" /

HABANG sobrang tahimik lang ang relasyon nina Julia Barretto ay Gerald Anderson, ay mayroon intriga na pilit ngayong ikinalabit sa kanila na ang intensiyon ay makasira ng relasyon. Madalas kasing manood ang guwapong aktor sa laro ng sikat, maganda, matangkad at seksing volleyball player na si Vanie Gandler. Pinaglalaruan sa social media ang bawat panonood ni Gerald sa mga laro ni Vanie. Tutok lagi ang mga kamera sa guwapong aktor. Ginagawang kantiyaw at biro na dapat na daw kabahan ang anak ni Marjorie Barretto. Pinalalabas ng intriga na hindi malayong mahulog din daw ang loob ni Gerald kay Vanie dahil malaki rin ang hawig nito sa hitsura ni Julia. Hindi lang naman ito ang intrigang ibinabato kay Gerald, na gustong palabasin ng hangganga ngayon ay playboy pa rin siya. Pinapainsekyur din siya sa muling pagsasama nila Julia at Jushua Garcia sa bago nilang pelikula. Sina Julia at Joshua ay dating magkarelasyon at magka-loveteam. Pero maagap at tinawanan lang ni Gerald ang sitsit ng mga Maritess sa muling pagtatambal ng dating magkasintahan. Dipensa ni Gerald ay trabaho lang iyon. Naiintindihan niya, at bilang karelasyon ay may tiwala siya kay Julia.

Carla Abellana to star in new GMA show after 'Love Of My Life' | GMA  Entertainment

CARLA ABELLANA, WALA PA RIN BAGONG KARELASYON

TAMA lang ang ginagawa ni Carla Abellana, na hangga’t maaari ay iwasan na rin niya ang sumagot sa mga tanong na may kinalaman kay Tom Rodriguez, dahil ang kapupuntahan lang lagi ng mga pag-uusisa ay kung bakit ba hindi detalyadong malinaw at eksakto ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. May deklarasyon na din naman  kasi si Tom na mayroon na siyang bagong inspirasyon na nagpapasaya sa kanya ngayon. Si Carla naman ay tutok lang ngayon sa kanyang movie career. Hindi madali ang pinagdaanan niya, na nagpakasal kasunod agad ang malungkot na hiwalayan. Kaya ang mga lalaking gustong manligaw sa napakagandang aktres, ay humahanap ng magandang tiyempo kung ready na ba ulit magmahal ang Kapuso star. Noon pa naman, si Carla ay hindi talaga nagmamadali para magkaroon ng lovelife. Napaka-conservative niya, kaya bumibilang ng ilang taon ang mga nagdaan niyang pakikipagrelasyon, kaya masakit din talaga para sa kanya. Ang bongga lang kay Carla sa ngayon, ay nagbigay siya ng salita, pasubali, na kung sakali’t muli niyang maramdaman na mainlab ulit, ay hindi niya kokontrahin ang kanyang mararamdaman.

Look at Joel Cruz as a proud gay dad to 8 kids | GMA Entertainment

MARAMI ang humahanga at sumasaludo sa pamamaraan, istilo at paninindigan ng tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz sa kanyang pagpapalaki sa kanyang walong anak na sina Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid at Ziv. Si Joel Cruz ay hinahangaan sa loob at labas ng showbiz dahil sa success story ng kanyang buhay. Mula sa kahirapan ay nagsikap hanggang marating ang pagyaman sa buhay, kilala dahil sa pamoso niyang perfume business.

Karugtong ng saya sa buhay ay hinangad niya na magkaroon ng mga anak. Hayag na gumastos siya ng halos PhP 54 million para sa surrogacy ng kanyang mga anak. Hindi na kinatatakutan ni Joel Cruz, na baka pagdating ng panahon ay may mga kati-katerang mga taong mas mauna pang magkuwento sa walo niyang anak kung saan sila nagmula at naging mga anak ng Lord of Scents. Ikinuwento raw ni JC sa kanyang mga anak ang pagkatao ng kanilang ina. Lahat niyang anak ay nagmula sa iisang surrogate mother na si Lilia mula sa Russia. Puwede raw makita ng mga bata ang kanilang ina.  “Kung gusto nilang makita, they have the freedom. We can go there. They can meet their mom,” wika ni Joel.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally PERALTA TO ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yah 58@yahoo.co'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *