KARDING HUMINA AT INAASAHANG LALABAS NG PAR MAMAYANG GABI

KARDING HUMINA AT INAASAHANG LALABAS NG PAR MAMAYANG GABI

BAGAMA’T nanatili pa rin sa loob ng teritoryo ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan at tinatahak nito ang baybaying dagat ng Santa Cruz, Zambales taglay pa rin ang hangin na umaabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at bugso na 170 kilometers per hour at bilis na umaabot sa 30 kilometers per hour, si Karding ay kinakitaan na ng patuloy na paghina at mula sa pagiging super typhoon ay isa na lamang itong ganap na bagyo sa kasalukuyan.

Matapos ang dalawang ulit na pag-landfall nito at mabilis na pagkilos ng super typhoon Karding ay hindi ito gaanong nakapanalanta sa kanyang mga nadaanang mga bayan at lalawigan na sumailalim pa sa pinakamataas na Tropical Cyclone Warning Signal no. 5.

Unang nag-landfall bago maging ganap na super typhoon si Karding kahapon bandang alas-5:30 ng hapon sa Bordeos, Quezon bago muling lumapag sa Dingalan, Aurora dakong alas-8:20 ng gabi.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mula sa pagiging super typhoon ay isa na lamang itong bagyo at nasa signal no. 3 na lang ang pinakamataas na TCWS sa kasalukuyan.

Si Karding ay kumikilos patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph at inaasahang lalabas na ito ng Philippine area of responsibility mamayang gabi.

Nananatili naman sa ilalim ng signal no. 3 sa kanlurangf bahagi ng Pangasinan sa mga bayan ng Anda, Bolinao, Bani, Sual, Alaminos City, Bugallon. Labrador,Mangatarem, Aguilar, Infanta, Mabini, Dasol, Agno at Burgos gayundin sa hilaga at gitnang bahagi ng Zambales kabilang na ang Masinloc, Palauig, Candelaria, Botolan, Iba, Cabangan, Santa Cruz, San Narciso at San felipe.

Nakataas pa rin ang signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Pangasinan at La union at pati na sa katimugang bahagi ng Benguet kabilang ang La Trinidad, Sablan, Baguio City, Itogon, Tuba at kanlurang bahagi ng Nueva Ecija na kinabibilangan ng Talavera, Munoz, Lupao, Aliaga, Sto. Domingo, Jaen, Cabiao, San Antonio, Zaragosa, Quezon, Talugtug, Licab,Nampicuan at Guimbacuyapo; Tarlac Pampanga at natitirang bahagi ng Zambales; hilagang bahagi ng Bataan kasama na ang Orani, Hermosa, Bagac, Morong, Abucal, Samal, Pilar, Balanga City at Dinalupihan.

Signal no. 1 naman sa Ilocos Sur,nalalabing bahagi ng Benguet, kanlurang bahagi ng Ifugao kabilang na rito ang Kiangan,Banaue, Hungduan,Lamut, Lagawe, Hingyon, Tinoc at Asipulo; western portion ng Mountain Province na kinabibilangan ng Besao, Sagada,Bauko, Sabangan at Bontoc gayundin sa gitna at katimugang bahagi ng Aurora na kinabibilangan ng Baler, Dipaculao, Dingalan, San Luis at Maria Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Quirino, Nueva Vizcaya at Metro Manila; hilagang bahagi ng Quezon, Bulacan at nalalabing bahagi ng Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *