5 RESCUER SA BULACAN PATAY SA GITNA NG PANANALANTA NI SUPER TYPHOON KARDING

5 RESCUER SA BULACAN PATAY SA GITNA NG PANANALANTA NI SUPER TYPHOON KARDING

LIMANG rescuer ang kumpirmadong nasawi matapos mabagsakan ng isang gumuhong wall at mapagitna sa baha sa Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan sa gitna ng pananalanta ng super typhoon Karding kagabi ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando.

Sa isang panayam sa gobernador ay sinabi nito na apat katao mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang minalas na nakasagupa ng flash flood habang nagsasagawa ng rescue operation na ikinamatay ng mga ito.

“Actually, lima ‘yan. Apat na ngayon ang confirmed dead. Mga ano natin ‘yun, team natin sa PDRRMO. Mga empleyado po natin ‘yun,” pahayag ng punong lalawigan.

Ayon pa sa kanya, ay hindi pa rin natatagpuan ang isa pa sa limang rescuer na unang napaulat na nawawala.

Sinabi ni Gov. Fernando na gumamit ng bangka ang mga rescuer matapos masira ang kanilang ginagamit na trak subali’t dahil marahil sa malakas na agos na dulot ng flash flood ay may nawasak na dingding na pader na humataw sa kanila.

Makalipas lamang ang ilang oras ay nakumpirmang nasawi rin ang nawawalang rescuer at naihatid na ang lahat ng mga bangkay sa punerarya.

Umabot sa mahigit 2,000 katao ang kasalukuyan pa rin umanong nananatili sa mga evacuation centers habang patuloy pa rin nakalubog sa baha ang iba’t ibang lugar sa kanilang lalawigan.

Nakatakdang pagkalooban ng tulong ang mga pamilya ng mga nasawi na rescuer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *