FORMER CHIEF JUSTICE BERSAMIN NANUMPA BILANG BAGONG EXECUTIVE SECRETARY

FORMER CHIEF JUSTICE BERSAMIN NANUMPA BILANG BAGONG EXECUTIVE SECRETARY

NAHIRANG ni Pangulong Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr. bilang bagong executive Secretary ang dating Supreme Court Justice Lucas Bersamin.

Ang 72-anyos at tubong Bangued, Abra na si Bersamin ay nanumpa na sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni PBBM at nakatakda nang magsimula sa kanyang bagong trabaho ngayong araw na ito sa kanyang unang cabinet meeting.

Humalili si Bersamin kay dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na nagbitiw kamakailan sa kanyang posisyon.

Si Bersamin na kasalukuyang chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) ay na-appoint noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang chief Justice noong taong 2018 hanggang 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pinoy News Channel. All Rights Reserved 2021.