ILANG MGA LUGAR SA BANSA ISINAILALIM NA SA TWCS NO. 2

ILANG MGA LUGAR SA BANSA ISINAILALIM NA SA TWCS NO. 2

DAHIL sa patuloy na paglapit ng papalakas pang bagyong Paeng ay itinaas na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang ilang mga lugar kabilang na ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, eastern part of Camarines Sur (Bicol), northern Samar, hilagang bahagi ng eastern Samar.

Isinailalim naman sa Signal no. 1 ang Masbate kasama ang Ticao at Burias Island, Camarines Norte at natitirang bahagi ng Camarines Sur. Marinduque Romblon, lalawigan ng Quezon kasama na ang Polilio Islands, mga lalawigan ng Laguna at Rizal, Leyte, southern Leyte,Samar, nalalabing bahagi ng eastern Samar, Biliran, hilagang bahagi ng Cebu kasama na ang Camotes Islands, bantayan, Dinagat Islands Surigao del Norte kabilang ang Siargao, at Bucas Grande Islands hilagang bahagi ng Surigao del Sur

Kaninang alas-4 ng madaling araw ay namataan ang gitna ng bagyong Paeng sa layong 410 kilometers sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometers per hour at pagbugso na 90 kilometers per hour.

Ito ay gumagalaw patungo sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Paeng ay posibleng lalo pang lumakas sa mga susunod na 48 hours kung kaya’t mahigpit na pinaaalahanan ang lahat ng nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 at 2 na maging handa sa mga hangin at pag-ulan na dala ng bagyo.

Posible rin umanong umabot sa pinakamataas na Signal No. 4 ang bagyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *