LUIS MANZANO, MAGIGING FUTURE BABY PINAGTRIPAN

LUIS MANZANO, MAGIGING FUTURE BABY PINAGTRIPAN

May be an image of 1 person and text that says 'hike GO Online altwar loan deal BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

NAALIW ang mga followers at kaibigan ni Luis Manzano sa post na naka-ayos baby girl at kaaliw din ang caption. Apat na larawan ang pinost ni Lucky. “Kinakabahan ako na baka ganito hitsura ni Peanut, ngayon palang, sorry @jessymendiola wowow if ever.”

Nag-comment ang kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga na nagkaroon ng pagkakataon makaganti sa pambu-bully ni Luis.

Sabi ni Alex: “Oo nga! Haha sana sumipa dugo ni Jessy.” Laughing emoji ang comment ni KC Concepcion at natawa naman sina Jessa Zaragoza at Isabelle Daza.

Kanya-kanyang pili naman ang netizens kung alin ang maganda sa apat na larawan ipinost ni Luis.

Hindi nawala ang comment na umandar na naman ang pagiging buang ni Luis at may nag-sorry kay Luis na dahil sana raw maging kamukha ni Jessy Mendiola at Vilma Santos si Peanut.

May tumawag pa sa kanyang `Dora the Rat Killer’. For sure, kahit na anong hitsura ng magiging first baby nina Luis at Jessy ay masayang-masaya si Ate Vi na magkakaron na rin siya ng apo na matagal niyang hinihiling kay Luis. 🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲

No description available.
No description available.

BALIK-SUMMER SA BUBBLE GANG

Todo paghahanda ng staff at production crew ng “Bubble Gang” ang 27th anniversary ng longest running gag show ng Kapuso Network.

Sa isang magandang Water Park Resort nagtaping ang Bubble Gang barkada kaya nagmistulang summer episode ang anniversary presentation ng gag show.

Dahil nasa pool kaya asahan ang pagrampa ng mga sexy Bubble Gang barkada. Every year ay laging may hatid sorpresa ang “Bubble Gang” para sa kanilang mga followers kaya hindi pinagsasawaan abangan tuwing Friday,

9:40pm sa GMA 7. Kaya nanatili ang mataas na rating ng show. Ini-spoof last Friday episode ang ‘Running Man PH’, ang Praningman. May ginawa rin parody si Michael V sa song na ‘Gusto Ko Nang Bumitaw.’

Sumabay na rin ang BG sa mga pagbabago ngayon sa mga palabas sa television gamit ang social media.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENTY EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *