JULIA BARRETO, MAS MATIMBANG ANG TUBIG KAYSA DUGO?

JULIA BARRETO, MAS MATIMBANG ANG TUBIG KAYSA DUGO?

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

NILAIT-LAIT ng netizens ang magkapatid na sina Julia at Leon Barretto ng batiin ng mga ito ang kanilang kasambahay na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Leon ng larawan ni Manang Nenay ang kasambahay nila for 19 years na may kalakip na mensahe na; “Happiest birthday to our Manang Nenay. She’s been in my life for almost 19 years. Will forever be grateful for her, thank you for taking care and loving us manang.” Kung saan sa comment section ay nagkomento si Julia ng; “Love you Manang Nenay!!!” At hindi ito naibigan ng mga nakabasang netizens at nagsabing mabuti pa raw ang kasambahay ay binabati nila sa publiko samantalang ang ama nila na si Dennis Padilla di man lang nila pinapansin.

Ilan sa komento ng netizens ang sumusunod. “Sus wala kayo sa mundo kung hindi ang tatay niyo ang dahilan..kakagigil kayo magkapatid.” “Baka si manang ang tunay na ama nila.” “Tatlo kayong magkakapatid, pakitang tao lang yan, gusto nyo lang na mastress ang tatay nyo ng todong-todo, hmmmmppp.” “Sana ganyan din kayo sa tatay n’yo! anyways, buhay n’yo ‘yan malalaki na rin kayo! Ako naman eh napa-comment lang.” “Talagang pinapamukha lang nila sa tatay nila na wala siyang halaga sa kanila tsk!” “Yes pero mag-message sila sa tatay nila hindi magawa.” 🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲

No description available.
No description available.

saan banda? TIFFANY GREY, WALA PANG EXPERIENCE

VERY honest ang promising star na si Tiffany Grey na natakot siya ng malaman na ang magiging direktor niya sa pelikulang “My Father, Myself ” ay si Direk Joel Lamangan.

Kuwento ni Tiffany: “Unang-una sa lahat hindi ko alam na isa ako sa mga gaganap sa movie na ito, so nung tinawagan ako ni Nanay Len Carillo, sabi ni Nanay Len, ‘Oh ikaw ang napili dito,’ Ang sabi ko hala! kasi wala akong experience like workshop, as in wala talaga. Sabi ko ‘Nay kaya ko ba to?’ So ayon nga po ng malaman kong si Direk Joel, ang sabi ko hala si direk Joel pa, patay ako nito yung pressure ko, yung takot ko pero merong excitement, sabi ko wala na ako magawa tatanggapin ko to. Like its time to shine na, like gagawin ko lahat, kasi sa sobrang daming puwedeng mag lead dito ako yung napili at pinagkatiwalaan nina direk Joel at Nay Len. Talagang ginawa ko lahat-lahat yung best ko para makita nila na deserve at worth it yung pagpili nila sa akin.”

At hindi naman nabigo dahil napabilib ni Tiffany ang kanyang co-actors, ang producers ng kanilang movie at si Direk Joel. Kasama ni Tiffany sa ‘My Father, Myself” sina Jake Cuenca, Sean De Guzman at Dimples Romana with Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose. Produced by ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network, Erwin Ortanez, Jumerlito Corpus and Nicanor Abad at mapapanood sa Dec. 25, bilang entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.

WALLY PERALTA – ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *