STAR FOR ALL SEASONS VILMA SANTOS, MAY PLANONG SUMABAK SA MMFF NGAYONG TAON

STAR FOR ALL SEASONS VILMA SANTOS, MAY PLANONG SUMABAK SA MMFF NGAYONG TAON

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

PINAKILIG ni Star for All Seasons Vilma Santos ang kanyang fans during her speech nu’ng tanggapin ang kanyng Marichu Vera-Perez award sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival awards night.

Na-excite ang Vilmanians sa sinabi ni Ate Vi na gusto gumawa ulit ng pelikula for the MMFF.

Pahayag ni Ate Vi, “Sana next year makagawa acting pelikula. Maisali naman dito sa MMFF.” Dekada na rin ang lumioas nu’ng huling gumawa ng pelikula si Ate Vi para sa Metro Manila Filmfest, ang “Mano Po III: My Love” directed by Joel Lamangan noong 2004.

Hiyawan ang fans ni Ate Vi na nasa loob ng New Frontier Theater kung saan ginawa ang awards night ng MMFF. Samantala, ikinuwento rin ni Ate Vi sa kanyang speech kung bakit very special sa kanya ang Marichu Vera Perez award na natanggap. “Uh, kasi siya po ay para ko nang pangalawang ina.

Sa panahon po ng buhay ko na kailangang-kailangan ko ng gabay, nandid’yan po si Manay Ichu, so Marichu Maceda,” lahad ni Ate Vi. Na maaaring ang tinutukoy ni Ate Vi ay nu’ng panahon na nagkaroon siya ng problema sa BIR. “Uh, sa taon pong ito anim na dekada na po ako na nasa industrya ng pelikulang Pilipino….60,” pakadiin-diing sabi ni Ate Vi.

Pagpapatuloy niya, “At uh, hindi po naging madali. Uhm, medyo mahirap din po. Pero nakayanan ko po dahil sa pagmamahal po sa akin ng mga tao higit sa lahat ng aking mga Vilmanians.” Never in her wildest dreams daw na papasok siya sa politika. Na magiging Mayor siya, Gobernador at Congresswoman. “But I guess it was meant to be. Gusto ng Panginoong Diyos. So, ginawa ko po ang lahat ng aking magagawa para ibalik ang serbisyong ito sa mga taong nagtiwala sa akin. Hindi ko po kayo ikinahiya,” say pa ni Ate Vi. tuyo is life…. Nagalak din ang fans ni Ate Vi sa socmed. Pero may isang nag-post ng comment at kinunek na naman ang rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor. “Naku magmovie ka na Vilma. Binabash ka na ng Noranians. Nagbebenta nalang ng tuyo si Nora Aunor wahhhahaha National Artist yern hahahahaa.” May nag-reak na netizen sa comment sa itaas. “Masama po ba ang magbenta ng tuyo?”

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *