sa nabuhay na isyu nila ni Dina Bonnevie… MADER NI ALEX GONZAGA, DUMEPENSA PARA SA ANAK

sa nabuhay na isyu nila ni Dina Bonnevie… MADER NI ALEX GONZAGA, DUMEPENSA PARA SA ANAK

May be an image of 1 person and text that says 'John s POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

NAKAKUWENTUHAN namin si Mommy Pinty Gonzaga kaugnay sa naging issue noon ng kanyang daughter na si Alex Gonzaga at ang batikang aktres na si Ms. Dina Bonnevie sa taping ng kanilang show noon.

Wala naman palang kasalanan si Alex dahil dahil nagpaalam ito sa production na hapon na siya makakarating dahil hindi pa natatapos yung una niyang commitment at alam din daw yun ng talent coordinator ng kanilang show.

Pero mukhang nakalimutan daw ng naturang talent coordinator na hapon pa makakarating si Alex, eh na-calltime niya si Ms Dina ng maaga eh sila ang mostly magka-eksena, kaya ang ending nagalit si Ms D kay Alex dahil di nasabi dito ang totoong nangyari.

Kaya ang naturang talent coordinator ang dapat na pinagalitan ni Ms. D at hindi si Alex. Wala raw ginawa ang nasabing coordinator ng mga sandaling nagagalit si Ms.D na siya ang nagkamali, yun tuloy si Alex ang napagbuntunan ng galit ng mahusay na aktres. 🐝🐝🐝🐝🐝🐝🐝🐝

No description available.
No description available.

for release this 2023…. RnB SINGER KRIS LAWRENCE, EXCITED NA SA MGA BAGONG KANTANG GINAWA

KAHIT kasagsagan pa rin ng pandemiya noong nakaraang taon ay hindi nagpaawat ang mahusay at award-winning RnB singer na si Kris Lawrence sa kabila’t kanan na shows at concert sa loob at labas ng bansa.

Kuwento nga ni Kris; “Lucky year ko pa rin ang 2022 dahil kahit may pandemiya ay masuwerte pa rin ako dahil sa sunod-sunod na shows. And this year may 6-8 songs akong ire-release. Last year 2019 pa ang last release ko ng mga songs, kaya super excited ako dahil atlast makakapag-release na ulit ako ng mga kanta ko at lahat yun puro original songs. Pero as of now di ko pa pwede sabihin ung label, but i am signing with a new one ngayong January. Hopefully this year mas maraming projects ang dumating sa akin and sana mag hit yung ilalabas kong mga songs.”

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *