WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

iniwan sa ere ng nagkaproblema… SIKAT NA KOMEDYANTE, NAPEKENG PREN KUNO NI SIKAT NA AKTRESS

DISAPPOINTED ang controversial Male Star (MS) sa dati niyang screen partner at naging matalik na kaibigan na Female Star (FS). Nasangkot si MS sa isang malaking eskandalo na naging dahilan para humarap siya sa korte. Sinubukang humingi ng tulong ni MS kay FS. May malakas kasing koneksyon si FS sa bagong administrasyon.

Nabigo si MS na makakuha ng tulong mula sa FS. Kaya ganoon na lang ang lungkot na nadama ni MS. Nasa ‘life and death’ situation na kasi si MS kaya sinikap ng kampo niya na makuha ang lahat ng tulong na maga-gather nila kung saan man at kung kanino man.

Nangatwiran pa raw si FS sa kampo ni MS na hindi naman siya ang malakas sa gobyerno ngayon kundi ang kanyang partner na isa ring celebrity. Sa kabila ng pagkabigo na tulungan siya, mananatiling kaibigan pa rin ang trato ni MS kay FS. CLUE: Idol si FS ng sikat na vlogger kung kaya ginamit ni vlogger ung name ni FS bilang vloggers name.. Si MS ay suwabeng-suwabe pagdating sa Tiktokan kaya lapitin ng mga girls.. (by: ) Julie Bonifacio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *