iwas-pusoy sa kinakaharap na isyu? LUIS MANZANO, NANGIBANG BANSA NA?

iwas-pusoy sa kinakaharap na isyu? LUIS MANZANO, NANGIBANG BANSA NA?

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

KAPWA nagpahayag ng suporta sina Vilma Santos at Edu Manzano sa anak na si Luis Manzano sa pagsubok na kinakaharap nito ngayon. Sinabi ni ate Vi na hindi manloloko lang anak kundi tumutulong pa nga ito. “Walang higit na nakakakilala sa anak ko kundi ako lang dahil ako ang Ina nya. Wag silang masyadong mapanghusga , hindi masamang tao ang anak ko.” medyo emotional pang nasabi ng Star for All Seasons. Sabi pa ni ate Vi, she’s praying na maayos at malampasan ni Luis ang problemang kinakaharap sa ngayon.

Dahil alam niyang inosente si Luis at Hindi nito magagawa Ang mga ibinibintang sa anak Ganun din naman si Edu na nagsabing kayang-kaya ni Luis harapin ang gusot na kinasasangkutan nito . “He’s a man and I know na kaya niyang harapin yun. ” ani Edu. Dahil siya ang ama, kilalang-kilala din nya si Luis. “Mabait at matulungin tao ang anak ko at matalino. Hindi sya papasok sa Isang bagay na Hindi nya pinag-isipan at pinaghandaan. I’m sure malulutas din nya yung problema nya. ” On the lighter side, giliw na giliw si ate Vi sa kanyang apo na si Baby Peanut.

Sabi nga nya ay magba-vlog sila ng apo na sobrang cute na cute. “Naku, super cute ng apo ko. Ang saya saya ko kapag nakikita ko sya. Sobrang Ganda at cute na baby.” sey pa ni ate Vi . Kamakailan ay may gumawa ng fake news na tumakas daw si Luis papuntang ibang bansa kasama ang asawang si Jessy Mendiola. Hindi naman gagawin ni Luis yun dahil handa syang harapin ang problemang ibinibintang sa kanya.

No description available.
No description available.

YENG CONSTANTINO, TYPE ALAGAAN SI JANELLA SALVADOR

AKALA pala ni Yeng Constantino ay super galing na nyang singer dahil bata pa ay laman na ng mga amateur singing contest kung saan 30 song a night ang kinakanta niya sa iba’t ibang lugar .

At lahat yun ay panalo sya,huh! Not until pumasok na sya sa industriya na saka lang niya nalaman na marami pa syang dapat matutunan sa pagkanta. “Importante ang education sa music. Maraming nag-mentor sa akin sa music kaya mas marami pa akong natutunan from them. Akala ko okey na yung music ko, hindi pala. ” pahayag ni Yeng sa launching niya bilang Global Ambassadress ng Academy Of Rock (AOR). Dahil magsisimula nang magstart na tumanggap ng mga student for music Ang AOR, natanong kung sino ang gustong i-mentor ni Yeng. “Si Janella Salvador. Kasi one time, Kasama ko sya sa dressing room at kumakanta sya, Sabi ko ang ganda ng boses nya. Pwde sya. Pwde sya. Saka si Janine Berdin-. Mahusay din sya.” Excited Ang singer songwriter sa pagsisimula ng mga tuturuan at aalagaan nila pagdating sa rock and alternative music sa AOR at alam niyang may mga mahuhusay pang singers silang madidiskubre.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *