Kahit halos ng project ay may hubaran. WILBERT ROSS, DI PA RIN KOMPORTABLE SA PAGHUHUBAD

Kahit halos ng project ay may hubaran. WILBERT ROSS, DI PA RIN KOMPORTABLE SA PAGHUHUBAD

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

DIREKTOR na ng isang sexy series sa Vivamax ang wholesome filmmaker na si Easy Ferrer. Ilan sa mga naisulat at naidirek na pelikula ni Easy ay ang horror film na ‘The Missing’ na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Ritz Azul at Joseph Marco; ‘Finding You’ nina Jerome Ponce, Jane Oineza at Barbie Imperial, at ang ‘Momshies: Ang Soul Mo’y Akin’ ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada. Aminado si Direk Easy na hirap siyang gumawa ng mga sex scenes sa “Stalkers” na pinagbibidahan nina Wilbert Ross at Rose Van Ginkel.

“Yes, it’s not easy kasi hirap na hirap ako dahil may branding sila sa level ng sexiness na kailangang ma-maintain, so maraming requirements. Buti na lang, yung executive producer ko, inalalayan ako. Nanginginig ang kamay ko tuwing I’m shooting the sex scenes kasi wala naman akong experience sa heterosexual sex. Buti inalalayan ako ng lahat ng tao sa set, pati yung mga artista. Sila mismo, tinutulungan nila ako sa mga eksena nila. They were all very collaborative. Ako nga ang nasa-shock sa suggestions nila. Kapag sinasabi nilang why don’t we do it like this? Na mas bold and daring pa kaysa sa naiisip kong gawin,” pagtatapat ng direktor. Kinokonsulta din daw niya ang kanyang mga kasamahan sa produksyon bago gawin ang isang sex scene. Aniya; “Yes, tinatanong ko lahat ng tao sa paligid ko, ‘Will you be aroused by this’? Kasi importante for me na alam kong bebenta siya sa viewers, kaya big challenge talaga for me doing the sexy scenes. Before we do each bed scene, I ask the EP (executive producer) kung nagawa na ba ito sa ibang Vivamax shows. Kapag sinabi niyang nagawa na, then binabago ko, kasi I want to show something new na hindi pa napanood ng Vivamax subscribers before. Lahat sila, ngayon ko lang nakatrabaho kasi most of the stars I’ve worked with before are taga-Regal. But although first time ko silang nakatrabaho, we all got along fine kasi very cooperative sila. Very committed sila sa craft nila kaya gumaan ang work ko as a director,” sabi pa ni Direk Easy.

Si Wilbert ang gaganap na stalker ni Rose Van Ginkel sa serye. Ayon sa binata, kumportable siyang katrabaho si Rose Van. “For this movie, I have to practice yung laging dilat ang mga mata ko. Kasi chinito po ako kaya maliit yung eyes ko and si Direk Easy, gusto niya lakihan ko yung mga mata ko,” kuwento ng binata. Kahit marami nang nagawang sexy projects in the past ay hindi pa rin kumportable si Wilbert pagating sa sexy scenes. “Naku, hindi ko po masasabing sanay na sanay na ako sa sex scenes. And I don’t know if masasanay ba ako ever doing such scenes. Honestly, never siguro ako maging super comfortable talaga na maghubad on screen. Never siya maging comfortable for me. Ginagawa ko lang yon dahil may comedy. I’m a comedian than the bold star siguro. Siyempre, nakaka-conscious pa rin, but alang-alang sa ikagaganda ng movie or series, I am always willing to cooperate with our director,” katwiran ni Wilbert.

Naniniwala ang dating Hashtag member na conservative pa rin ang karamihang Pilipino kaya hindi pa tanggap ang mga Vivamax stars. “Hindi ko sila masisisi, kasi nasa Pilipinas tayo. Medyo conservative talaga mga tao dito, medyo old school pa rin dito. Hindi pa ganung ka-liberated, hindi pa ganun katanggap. And, yeah, hindi ko sila masisisi. Wala eh, nasa Pilipinas tayo eh. Maybe on, magiging okay na sila soon,” sabi pa niya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *