KATHRYN BERNARDO, SUPERBODS

KATHRYN BERNARDO, SUPERBODS

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com @gmail.c'

KUNG sa pagandahan lang ng katawan ng mga artista sa ngayon itong si Kathryn Bernardo na yata ang qualified na may karapatan bilang pinakaseksi sa lahat ng mga aktres? Aba rumampa ang bagong reyna ng box office queen sa Century Tuna Superbods kung saan ay endorser kaya pinagkaguluhan at talagang kinabog ni Kathryn Bernardo ang buong entablado. Halos napa wow ang buong nakasaksi sa kanyang latest superbods sexy body na pedeng ihambing sa mga kandidatang fit na fit maging next superbods ng paligsahan. Malaki din ang sinakripisyo ni Kath para maabot ang kanyang bagong sexy body na ala beauty queen. Sobrang in demand ngayon ang aktres sa ibat ibang guesting mapa telebisyon, pelikula at modeling. Talagang ito ang nangunguna sa ngayon na dinudumog at pinag aagawan makuha lamang ang endorsement. Sa latest nitong update ay halos wala na itong pahinga sa dami ng offers kaya pati ang lovelife nito ay parang nanahimik na.

Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) • Instagram photos and videos
Marian Rivera

MARIAN RIVERA-DANTES NAUNGUSAN NI KIM CHIU?

PUMALO ng 7.5 percent lang ng fantaserye nina Marian Rivera at Gabby Concepcion na My Guardian Angel keysa sa Linlang na nasa 12 % sa bagong survey na ginawa ng isang Nielsen Peoples Ratings nationwide para sa halos 108 istasyon sa buong Pilipinas. Kamakailan lang ay tinaguriang highest paid aktres at endorser ng GMA si Marian na kasabay halos na  nagkamit din ng blockbuster movie queen kung saan nga ay tinanggap ng mag-asawang Dingdong Dantes  at Marian ang awards. Kaya madaming nagtataka kung bakit nalampasan ng kilo kilometrong ratings itong kanyang pagbabalik sa primetime. Parang may bagong reyna na ng primetime at itong si Kim Chiu na nga ba ang aagaw sa trono ni Marian Rivera bilang bagong Primetine Queen?  Sa ngayon sobrang relax lang ang Kapamilya aktres lalo na halos 500k ang nakatutok sa kanyang pinagbibidahang teleserye na all time high.

Heart Evangelista | Vogue Philippines

HEART EVANGELISTA, ASAR TALO SA MGA BASHERS

TILA gigil itong fashionistang Pinay Icon na si Heart Evangelista sa kanyang mga bashers dahil pikon na talaga aktres ng makunan ulit ito sa kanyang ikaapat na baby sa bagong labas sa Tiktok, kaya daming reaksyon mula sa kanyang mga faney, na kaya daw ito nakukunan ng tsikiting ay dahil laging mataas ang sinusuot na mga shoes at panay ang rampa sa Europa at pati sa Pilipinas kaya di raw makabuo ng baby? Maliban sa kanyang malalang diet na wala ng makuhang nutrisyon ay panay pa ang travel sa mga fashion event sa Paris, Milan at New York na nakaapekto sa kanyang kalusugan.  Dapat sa magstay na lang ito sa kanyang mansion sa Sorsogon kung saan ay malawak ang kanyang hacienda at fresh na fresh ang kanyang mga alagang farm animals at gulay na makakapagbigay sa kanya ng peace of mind na malayo sa intriga at dumi ng showbiz at politika. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ni Heart Evangelista ang ma-stressed at ma-pressure sa mga demanding niyang basher at mga naiingit sa kanyang pagiging donya at fashionista. Sa ngayon dedmahin na lang ni Heart ang mga nang-iintriga sa kanya lalo na itong magwawala kung papatulan pa niya ang mga ito at dapat keep your head cool para di naman balikan siya ng mga ito para gamitin at sumikat ang mga bashers na nagpapainit sa ulo ng asawa ni senator Chiz Escudero.

May be an image of 1 person and text that says 'PERAL Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com 58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *