JAK ROBERTO, MAY SELOS FACTOR NA SA TAMBALAN NG SYOTANG SI BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO

JAK ROBERTO, MAY SELOS FACTOR NA SA TAMBALAN NG SYOTANG SI BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO

May be an image of 1 person and text that says "Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com"
No description available.
No description available.

MUKHANG apektado na si Jak Roberto sa tambalang Barbie Forteza at David Licauco. Sumikat ang tambalan dahil sa “Maria Clara at Ibarra” kung saan gumanap ang dalawa bilang Maria Clara si Barbie at bilang Fidel naman si David.

Hindi inaasahan na magki-klik ang tambalan na hindi naman nag-effort ang dalawa dahil kusang tinangkilik sila ng publiko. Kahit saan ay pinagkakaguluhan ang dalawa, mall show, public appearances sa mga rpobinsya at kahit sa social media, sila ang sinusuportahan. Kulang na lang ay tuluyan nang nagkaroon ng romansa ang dalawa. Sa lahat ng ito, nakatingin kay Jak Roberto ang lahat, ang tunay na bf ni Barbie nang kung ilang anniversary na. Actually, maraming naging bf si Barbie pero itong sa kanila ni Jak ang pinakamatagal at feeling ng iba ay papunta na sa altar wag lang magkakaroon ng sagabal.

Ayan na nga at dahil sa Barbie -David tandem ay mukhang magkakaroon na ng lamat ang Barbie-Jak. Tahimik lang si Jak pero pansin at ramdam na na nakikiramdam ito. Hanggang sa napag-alaman na block ang gf at si David sa mga socmed ng hunk actor. Tila ayaw nitong makita o malaman ang mga whereabouts ng dalawa. Mukhang he didn’t even care at ‘yun na nga, may konting selos na, aminin man niya o hindi. Dahil diyan, nag- one plus one ang mga sumusubaybay sa magkasintahan, may away bang nagaganap? May nagtatampo ba o napipikon? Or may matatapos bang Isang relasyon na matagal ng iningatan at inalagaan? Wag naman sanang matapos sa wala ang relasyon nina Barbie at Jak. Sayang naman kung mauuwi lang sa wala. Kailangan ay nag-usap pa ng husto, magkapaliwanagan, bago maging huli ang lahat. Hindi naman sinasadya ang sobrang sweetness ng Barbie -David na makita lang na magkasama ay may pandemonium na. Na lalong dumadami at lumalakas pa araw-araw na kulang na lang ay sila na ang magkatuluyan. Sayang ang Barbie-Jak pero sayang din ang Barbie-David kapag nawala. Para itong AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na effortless na minahal ng mga tao. Hayyyyysssss, may dapat ayusin sina Barbie at Jak , ganundin ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David upang maging maayos at walang mawawala at tuloy ang pagbibigay ng saya ng lahat.

No description available.
No description available.

beauty and brain….. ARRA SAN AGUSTIN, BEA ALONZO AND HEART EVANGELISTA IN THE MAKING

DAPAT kabahan Kay Arra San Agustin ang mga Kapuso actresses, pwedeng ihanay kina Bea Alonzo, Heart Evangelista, Carla Abellana , Marian Rivera at Angel Locsin si Arra pagdating sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Napakaganda ni Arra at mukhang glowing and blooming ito nung nag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda”. Kahit nga si Kuya Boy ay gandang-ganda sa kanya. One more thing, she talks very intelligently, may sense. Aside from Bea and Carla, ang episode niya ang masarap balik-balikan dahil sa husay sumagot sa mga tanong ng King of Talk. Sa programa ay inamin nga ni Arra na nagparamdam sa kanya ang Pambansang Ginoo na si David Licauco, “but slight lang”, sabi nito. Perfect sila kung nagkataon. Hindi naitanong kung ngayong loveless sya at pomorma si David, possible kayang maging sila?

Parang wala sa priority niya ang magka-boyfriend kahit pila ang manliligaw showbiz man o hindi. “It can wait. Focus muna ako sa career at marami pa akong gustong gawin as an actress. Marami akong dream project at mga artistang pangarap na makatrabaho. Anyway, ilalaban namin si Arra na mas aangat at sisikat pa ng husto ngayong taon. With her beauty and talent, (mahusay din syang umarte) marami pang dapat gawin si Arra na aabangan sa kanya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *