WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

+bagong nilipatan recording label nagkaproblema agad.. MAGANDANG BIRETERA, MAY DALA-DALANG KAMALASAN SA KATAWAN

SUNUD-sunod ang negative feedbacks ang nakukuha namin ukol sa female singer (FS). Buong akala namin ay pabongga lang lalo ang kanyang singer when we found out na bini-build-up siya ng sikat na recording company. Pabulusok na ang kanyang career to full stardom, no doubt lalo pa nga’t nabalitaan namin that she’s being managed by a female top executive (FTE).

But recently, nabalitaan namin na nagkaka-problema na ang recording company na kinabibilangan niya. At gusto na raw kumalas ni FS sa recording company. Bago pa lumipat si FS sa ‘minalas’ na recording company ay galing siya sa isang mala-Titanic na recording label pero ilang buwan palang siya sa naturang kompanya ay nagsara agad ito sanhi ng pandemya.

Hirap na rin hanapin si FS para kunin sa mga gig and special events dahil ‘di malaman kung kanino siya kukunin. Say ng aming source, ‘di pa nga siya nagiging diva sa music industry, naga-“attitude” na siya ng bongga.

Clue: Ang pangalan niya ay pangmasa pero ang biritera ay may attitude, feeling sikat na diva agad at di malapitan ng mga supporters. In perness maganda ang mukha ni FS pero mukhang pinanganak na may balat sa wetpaks… BY: JULIE BONIFACIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *