JOHN LLYOD CRUZ AND GF ISABEL SANTOS, WEDDING BELL SOON?

JOHN LLYOD CRUZ AND GF ISABEL SANTOS, WEDDING BELL SOON?

May be an image of 3 people and text
No description available.

USAP-usapan ang pagdalo ni John Lloyd Cruz kasama ang kanyang na girlfriend at painter na si Isabel Santos sa isang wedding kamakailan. Kaibigan ni Isabel ang ikinasal na si Jonty Aquino Cruz, pamangkin ng TV host/aktres na si Kris Aquino, kay Sassa Jimenez.

It seems na matagal ng kaibigan ni Isabel si Jonty kesa kay Sassa. Parehing mahilig sa fantasy at Marvel superheros sina Isabel at Jonty. Si Jonty ay apo nina nina Pres. Cory Aquino at Ninoy Aquino sa eldest nila na si Balsy Aquino-Cruz. At ang nagiisang kuya ni Jonty na si Jiggy Aquino Cruz na tumayong ring-bearer and best man sa kasal.

Syempre, wala ang kanyang tita sa wedding na si Kris Aquino na hanggang ngayon ay nagpapagamot sa Amerika. Kung walang sakit si Kris, she will not miss for the world ang wedding ng kanyang pamangkin sa kanyang Ate Balsy. And we heard, favorite playmate ng oldest son ni Kris na si Joshua si Jonty nu’ng mga bata pa sila among his cousins. Well, anyway, marami ang nakapansin based sa mga lumabas na pictures ni John Lloyd at Isabel, mukhang proud bf daw ang aktor sa kanyang painter-girlfriend. Sa mga ‘di pa nakakaalam, si Isabel ay apo ng award-winning painter na si Mauro Malang Santos. Sa Instagram account ni Isabel ay nag-post siya ng mga larawan kuha sa kasal nina Jonty at Isabel. At sa caption ay may pa-hashtag siya na #SASSAyanasiJonty. Nag-comment ang bagong kasal na si Jonty sa Instagram post ni Isabel. Comment ni Jonty: “Humanda ka sa wedding hahtag niyo.” Nag-reply naman si Isabel sa comment ni Jonty, “Pa workshop na haha but I like yours!!” Dahil sa palitan ng comment nina Jonty at Isabel, nag-assume agad ang natizens na mukhang may plano ng magpakasal sina Isabel at John Lloyd. If true, why not? It’s about time. Hindi na bumabata si John Lloyd. At kung si Isabel na talaga ang babaeng ihahatid niya sa altar, sa wakas ay natagpuan na rin ni John Lloyd ang babaeng pakakasalan niya. Bagay naman sila kasi pareho silang artist at may pagka-weird, say ng mga marites. Sabee.

No description available.
No description available.

noong nagsisimula palang mag-audition…. FRANCINE DIAZ, NAPAGSABIHAN NG DIREKTOR NA HINDI DAPAT TATANGA-TANGA

UNANG nakasama ni Francine Diaz ang veteran actress na si Tessie Tomas sa seryeng “The Blood Sisters” ng ABSCBN. Francine is only 14 years old at that time.

And after four years, muli silang nagkatrabaho sa pinaguusapang Kapamilya primetime series na “The Dirty Linen.” Francine plays the role of Chiara na isa sa mga apo ni Tessie sa “The Dirty Linen” as Doña Ciello. Nagkaroon ng one-on-one interview si Tessie kay Francine sa recent vlog ng veteran actress sa kanyang YouTube channel.

Napag-usapan nila ang mga pinagdaanang hirap ni Francine noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Sumasakay pa raw si Francine sa motorbike ng kanyang ama mula sa bahay nila sa Bacoor City, Cavite papuntang Quezon City. At kaangkas din sa motorbike ang ina ni Francine pati na dalang gamit niya para sa taping.

Aside from the exhausting commute to and from Manila, another struggle that their family had to go through was their lack of funds. Nanghihiram daw ang kanyang mga magulang sa kanilang kapitbahay in the middle of the night para makaluwas ng Manila for her auditions.

At dahil limited lang ang pera, tinitiis na lang daw ni Francine ang gutom kapag nag-a-audition. Pero dahil sa gutom niya, naapektuhan ang kanyang performance sa auditin at sinabihan daw siya ng direktor ng ganito, “Alam mo, kapag nag-aartista, dapat hindi tatanga-tanga.” And the rest is history , ika nga nila. She’s a big star now and yet ‘di raw pinapasok ‘yan ni Francine sa isip niya. For her, siya pa rin daw ‘yung simple and normal girl who goes to school and does auditions here and there. Tinanong ni Tessie si Francine kung ano ang payo ang mabibigay niya sa mga nangangarap ding mag-artista. “Hindi siya madali at hindi magiging madali. Before, during, o after man, hindi talaga madali. Saka kailangan ‘yung perseverance bilang tao na rin at don’t give up. Kailangan hindi mo personalin lahat ng komento sa’yo, and never stop learning kasi ‘yon ang magiging kakampi mo sa buong journey mo sa pag-arte,” tugon ni Francine. Sinabi naman ni Tessie kung gaano kalaki ang paghanga niya sa self-confidence na binunuga ni Francine lalo na kapag nakakasalamuha at nakaka-eksena niya ang mga sikat and veteran stars. Sa huli, pinayuhan ni Tessie si Francine na ikipkip sa kanyang puso ang kanyang self-confidence dahil ito ang tutukod sa lahat ng gusto nilang gawin. Wish pa ni Tessie kay Francine is to go really, really far in the industry. Catch Francine and Tessie on “Dirty Linen,” weeknights after The Iron Heart, on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *