naimpluwensiyahan ng husto ni mister…. ARA MINA, NAGING BUSINESS-MINDED ACTRESS

naimpluwensiyahan ng husto ni mister…. ARA MINA, NAGING BUSINESS-MINDED ACTRESS

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

NAGTAYO ng bagong negosyo ang mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez na ang pangalan ay AForce Ventures Inc. Matatagpuan ang opisina nito sa BGC, Taguig. Three years in the making ang AForce Ventures. Hindi ito kaagad nag-operate dahil sa pandemic at pareho ring naging busy sa iba’t ibang commitments ang mag-asawa.

Ang AForce Ventures ay isang holding company (defined in Investopedia as “a company that owns other companies and oversees their operations but exists solely to operate those subsidiaries.”) “Nahahati sa dalawa ang trabaho namin. Una, yung sa mga existing companies na established na that we do joint ventures with. Some of them are from foreign countries and they wish to actually do business in the Philippines. Naghahanap sila ng partners that will actually grow with them and guide them. We provide learning term na mas maiksi. And with the experience that we have — me in business and trade and si Ara sa media, entertainment, lifestyle and beauty; plus my sister, si Dr. Geraldine So, who’s in charge of the health technology sector — combining those with several other partners in AForce Ventures na mga seasoned entrepreneurs na, mga talagang may track record na. Yon ang bitbit namin para sa kanila to guide them,” paliwanag ni Dave na graduate ng Global Strategic Management course sa Harvard Business School.

Layunin din daw ng kanilang business na matulungan ang mga baguhang entrepreneurs para mag-succeed ito sa kanilang negosyo. “Tutulungan din namin yung mga startup… yung mga new entrepreneurs. Mainly Filipinos ang focus. But siyempre, minsan may mga opportunities abroad like sa Southeast Asia or sa America or Europe. Kaya kami nagta-travel ni Ara.

Ang gusto namin, mabigyan ng opportunities to partners with Filipino entrepreneurs na makilala rin hindi lang sa Pilipinas but also to become regional players in Southeast Asia or Asian region and even potentially, maging global players, sa mga concepts or ideas na meron sila,” wika pa niya. At para mas madaling maintindihan, “Naghahanap kame ng mga konsepto ng mga potential (businesses) na puwedeng palakihin. Either we invest in them or actually partner with them. Or we provide our experience.” Halatang nag-i-enjoy naman si Ara sa kanyang ginagawa dahil marami siyang nae-encounter na millennials na puro makabago ang mga naisip na businesses or apps. Maging sa mga business meetings ni Dave sa ibang bansa ay sumasama rin si Ara.

Kuwento ng aktres; “Actually, lagi akong nakakasama sa mga dealings so we were in Hungary. Sinasabay lang yung mga honeymoon. Nag-Hongkong din kami dahil yung isang partner niya nando’n din. Tapos nag-Korea din kami.” We try to maximize our time rin siyempre if there’s an opportunity. Hindi naman araw-araw may opportunity, so we grab that opportunity kung sa tingin namin fit don sa bini-build naming negosyo,” reaksyon naman dito ni Dave.

Pag nagbukas ng kompanya sa ibang bansa tulad sa Singapore or Hungary sasama din ba si Ara? Kuwento ng aktres; “Actually, lagi akong nakakasama sa mga dealings so we were in Hungary. Sinasabay lang yung mga honeymoon. Nag-Hongkong din kamin dahil yung isang partner niya nando’n din. Tapos nag-Korea din kami.” We try to maximize our time rin siyempre if there’s an opportunity. Hindi naman araw-araw may opportunity, so we grab that opportunity kung sa tingin namin fit don sa bini-build naming negosyo,” reaksyon naman dito ni Dave.

Handa ba silang mahiwalay sa isa’t isa kapag nag-prosper na ang kanilang AForce Ventures sa ibang bansa? “Dahil partner kami, lagi naming napag-uusapan yung potential opportunities. So kung dumating yung pagkakataon na yon and siguro it may happen, so paghahandaan din namin. Pero mas maganda siyempre na magkasama kami kasi hindi lang naman personal ang relationship but also yung professional dinadala na rin namin sa hanapbuhay namin,” diretsong sagot ni Dave na sinang-ayunan naman ni Ara. Present nga pala sa kanilang office blessing ang ilang foreign businessmen — may Korean, Singaporean, Hungarian, American.

Dumating din si Dingdong Dantes na nag-cut ng ribbon kasama ni Ara. Ayon kay Dave, business partners sila ni Dingdong para sa isang “Super App” which they are targeting to launch this year. “Parang ganito, may Food Panda, may Grab, nagpapabili ka paisa-isa. Yung application na ito, puwede mo nang pabili lahat, dadaanan na niya lahat,” aniya. Well, exciting di ba? Anyway, congrats Ara and Dave.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *