nagpapansin sa aktor? COCO MARTIN, INUNAWA NA LANG ANG RANT NG ISANG VLOGGER

nagpapansin sa aktor? COCO MARTIN, INUNAWA NA LANG ANG RANT NG ISANG VLOGGER

May be an image of 1 person and text that says "TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com"
No description available.
No description available.

KAHIT pa siguro sinabihan si Coco Martin ng kanyang production team na ‘wag nang pagtuunan ng pansin ang vlogger na nagtutungayaw sa kanyang pagiging primetime actor, leading endorser at in demand sa mga kaganapan sa showbiz, still naglaan.pa ito ng kakarampot na salita para mapag-ukulan ng kahit konting pansin (na siya namang kanyang layunin) ang vlogger na nakikilala na as Rendon Labrador.

Matatandaang binanatan ng nasabing ‘Da Hu?’ si Coco Martin na nakakaperhuwisyo na umano siya sa mga tindero sa Quiapo simula noong mag-shooting ang produksiyon ng ‘Batang Quiapo’ sa masasabing isa sa matataong lugar o kalye ng Maynila. May naririnig umanong reklamo si Redentor sa ilang tindero sa lugar na naaapektuhan umano ang kanilang benta simula ng pag-siyutingan ang lugar dito sa Quiapo.

Nauna nang klinaro ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na tila walang alam ang matapang na sumisita kay Coco. Ani Ogie; “Bakit hindi nito (Redentor) idiretso ang hinaing sa mga LGU lalong lalo na kay Mayor Honey Lacuna, na nagbigay ng permit para mairaos Ang siyuting? “Hindi naman magkakaroon ng siyuting sa Quiapo kung walang pahintulot o permit ng ating Mayor Lacuna”. Siyempre pa, Ilan sa mga alituntunin para maisagawa ng isang prodyuser ang kanilang proyekto ay permit, na nakasaad kung saang lugar maglo-location, ilang oras at gaano ang itatagal o haba ng siyuting, Dahil nagpapansin ang Redentor para makilala,namnamin niya ang puna sa kanya.

Magalang na sumagot si Coco at aniya; “Hayaan niyo na. Ako naman, inuunawa na lang sila.” Dahil sa kanyang pagra-rant kay Coco sa kanyang vlog, may Ilang netizens na nag-sugest sa primetime actor kung puwede siyang isama sa Batang Quiapo serye? Pero ayon sa Ilang malapit na adviser ng actor, di na kailangan. Ayon pa kay Antenor Ascasinas ng Old Sta. Mesa, Manila, “Pag kinuha si Redentor baka maging precedent (o maging kalakaran) na ito at magsimulang dumami.ang pupuna kay Coco para lang sila mapansin.” sey ng isang suki at tagasubaybay ng “Batang Quiapo” na mapapanood.araw-araw,Lunes hangang Biyernes,8pm sa Kapamilya Online Live,TV5 T A2Z. Sunod pa niyang tanong,”Marunong ba siyang umakting o mag- aksiyon?”.

No description available.
No description available.

habang lumalaki…. CUTENESS NG BABY NINA JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO, OVERLOADING

SA Isang social media account ng bagong momshie na,si Jessy Mendiola, makikita ang larawan ng dating aktres kasama ang cute nilang baby na si baby Rosie ang newborn baby nito at ng asawang si Luis Manzano. Maraming nakapansin sa viral photo na sobrang hawig ang mag-ina at sa ilang photos naman, pansin ang sobrang cute ng mag-ina.

Siyempre pa, hindi puwedeng hindi magbigay ng kanyang reaction ang Kapamilya host na si Luis Manzano sa mga pangigigil ng mga netizens sa kanyang mag-ina at lagi na.lang kay Jessy inihahambing si baby Rosie. Sa ilang nag-comment sa kakyutan nina Jessy at baby Rosie, mapapansing wari’y nagtatampo si Luis ay sabi’y,” ilong lang ang namana sa akin.?”. Masaya at nakakatuwa but sabi nga, at the end of the day, kay baby Rosie nakatuon ang limelight ngayon o ang sayang nadarama ng pamilya Manzano lalo na kay ate Vi o ang ating Star for All Seasons, Ms. Vilma Santos.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *