SEN. ROBIN PADILLA AT CONG. RICHARD GOMEZ, SA SENADO NAGKAKAISA

SEN. ROBIN PADILLA AT CONG. RICHARD GOMEZ, SA SENADO NAGKAKAISA

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NAKAKATUWANG pagmasdan na nagkakasunod at may iisang pinaglalaban sina Sen. Robin Padilla at Ormoc City Congressman Richard Gomez sa Kongreso para sa pagsulong ng Charter Change. Parang kailan lang nu’ng kabataan at kainitan ng popularidad ng dalawang aktor sa showbiz, halos ‘di sila pwedeng pagtabihin.

Pareho rin silang naging leading men ni Megastar Sharon Cuneta noong dekada 80s and 90s. At sa dalawang huling malalaking movie projects ni Mega sa Star Cinema bago mag-pandemic, ang “Unexpectedly Yours” with Robin (with Joshua Garcia and Julia Barretto) at “Three Words with Forever” (with Kathryn Bernardo).

Remember nang sinuntok ni Sen. Robin si Cong. Richard sa Star Olympics noong 1991? Pero ngayon ay suportado ni Cong. Richard ang pinu-push na Charter Change ni Sen. Robin. ‘Yun nga lang mukhang ‘di suportado ng majority sa Senate si Sen. Robin.

Taliwas sa una niyang claim na majority ng mga Senador ay suportado so Sen. Robin sa kanyang pinu-push na ChaCha. Dahil d’yan, viral sa Twitter ang panawagan ng netizens na mag-resign siya sa Senado. Resign agad? Ganern?

No description available.

BATANG QUIAPO, PATULOY SA PAMAMAYAGPAG

GABI-gabing tinutukan ng mga manonood ang “FPJ’s Batang Quiapo” pagkatapos itong makakuha ng 289,337 live concurrent views sa Marso 21 na episode. Nakapagtala na rin ang serye ng higit 44 milyong total online views para sa pilot week noong Pebrero. Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram .

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *