KATHRYN BERNARDO, NAG-DINNER SA HELL’S KITCHEN

KATHRYN BERNARDO, NAG-DINNER SA HELL’S KITCHEN

May be an image of 1 person and text that says "hike GO Online aitway loàn deal BY: GERRY OCAMPO"
No description available.
No description available.

DAGSA ang bumati ng happy birthday kay Kathryn Bernardo para sa kanyang 27th kaarawan. May fans club din siyang nagkaroon ng donation drive para sa i-donate sa animal center. Dahil diyan double trending at nagkalat ang birthday salubong video sa kanya ng pamilya, kaibigan at Daniel Padilla. Samantalang nai-share ni Kathryn ang kanilang experience sa sikat na dining destination sa Dubai, Gordon Ramsay`s Hell`s Kitchen. “Dine at Hell`s Kitchen. “Finally ticking this one off of our bucketlist, Yay! I`ve always wanted to try their famous beef wellington, “Tip: End your meal with their sticky toffee pudding. Sooo Good!” sa kanyang post kasama ang kanilang mga inorder. Si Gordon Ramsay ang Britist chef na sikat sa kanyang cooking show at awarded ng 17 MIchelin stars ang kanyang Hell`s kItchen!

No description available.
No description available.

DENNIS PADILLA, NAPAIYAK NG MATANONG SA TSIKANG MARRIAGE PROPOSAL KAY JULIA BARRETTO

NAPAIYAK si Dennis Padilla habang ini-interview pagkatapos ng celebrity screening ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” entry ng Saranggola Media Production sa 1st Summer Metro Manila Film Festival. Walang kaalam-alam ang press na nag-i-interview kung bakit siya umiiyak dahil natanong sa mga anak na sina Julia at Leon Barretto. Puwede din naiyak siya dahil sobrang nadala siya sa emosyon ng pelikula at sa life story ni Rey Valera,

Sabi kasi ni Dennis, pagkatapos ng screening ng movie na napagtanto niya na mas mahirap ang pinagdaanan ni Rey bago sumikat sa music industry at sa showbiz. Siya raw kasi ay natulungan ng kanyang ama si Dencio Padilla para makapasok sa showbiz, samantalang si Rey daw ay sariling sikap bago nakilala at sumikat.

Nang matanong naman siya sa nababalitang nagkaroon ng marriage proposal habang nasa Paris sina Julia at Gerald Anderson. Hindi nakasagot ni Dennis at tumulo na ang luha. Halos ganu`n din ang nangyari nang tanungin siya kung papayag ba siyang mag-showbiz si Leon, Puwedeng-puwede daw sa showbiz ang anak dahil guwapo at matangkad. Sa tanong ng reporter kung gusto niyang makausap si Leon, “sana” ang sagot niya. Nawala lang ang lungkot at nauwi sa tuwa at saya si Dennis nang banggitin ng reporter na nang makausap nito si Leon sa isang event ay nabanggit daw ng anak niya na miss siya nito at gusto nga siyang makausap.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *