WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

GUAPO AT TISOY NA AKTOR, NABUKING NA ISANG BEKI NG TUMUGON SA TAWAG NG SIKAT NA AKTRESS SA NAME NG GIRL NIYANG DYULALAY..

SA isang sikat na show ay guest ang matipuno at guwapong actor. Maagang dumating actor sa taping na kung saan nadatnan niya ang sikat na female host na nagpapa-make-up. Dahil matagal pa bago magsimula ay naupo siya at nagpalingon habang kinakawayan siya ng host na parang sinasabi na sandali na magsisimula na sila. Eto na ang ikinabigla ng host ng show nang tawagin niya ang kanyang alalay na si Loida. Sigaw ng host, “Loida! Loida! Loida! Nagulat ang host nang lumapit si actor at sabay tanong sa host, ‘bakit?” say ng actor sa female host. Nagulat ang host pero hindi nagpahalata at saka sinabi sa guest actor na, “Naku! Hindi ikaw, ang alalay ko ang tinatawag ko.” Tapos tumalikod ang actor at bumalik sa kinauupuan nito. Nang malaunan ay napagtanto ni female host na ‘Loida’ pala ang name na ginagamit ni mestisong aktor sa gabi pag rumarampa. Da who ang mestisong guwapong actor na macho pa mandin ang porma?

Clue: Super guapo at matipuno si aktor. Tisoy at may lahing banyaga. May panaka-naka siyang project na ginagawa sa ngayon. Samantalang si female host ay ‘lie low’ na muna sa showbiz dahilan sa hindi kinakaya ng kanyang health condition. BY: GERRY OCAMPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *