sa paniniwala ng isang close friend ni Claudine… RELASYON DIUMANO NINA RICO YAN AT SABRINA M, KADUDA-DUDA ANG KATOTOHANAN

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.
No description available.

HINDI raw naniniwala si Bianca Lapuz, malapit na kaibigan ni Claudine Barretto, sa pahayag ng former sexy star na si Sabrina M na nakarelasyon nito diumano ang yumaong aktor na si Rico Yan sa loob ng dalawang taon.

Ayon nga kay Bianca; “March siya namatay ( Rico Yan ), so March siya umalis sa condo ( Claudine Barretto ), yung timeline lang na two years, eh magka live in yung dalawa, parang siguro magkakilala sila, if ever alam mo naman sa showbiz may mga eme emeng ganyan. Parang alam mo yun, parang di lang talaga kapani-paniwala, basta natatawa na lang nga kami parang mahuhulog na nga sa upuan si Claudine sa katatawa ng mapag kuwentuhan namin yung issue. Pero also after natin magtawanan na realize niya na ano ba yan dinamay pa yung pangalan ni Rico, ang ganda-ganda ng image ni Rico, tapos para kasing lumalabas na nag two-timer siya. Kahit na sinabi ni Sabrina na pumasok siya nung wala na sila ni Claudine, lumalabas pa rin na nag two-time si Rico, At yung sinabi ni Sabrina na alam ni Claudine, ano yun kabit with concent? Ano yun may third party na may concent? Napakatalino naman ni Claudine na hayaan niya gawin niya yun, di ba, ok may babae ka alam mo yun, kaya ang shunga naman ni Claudine kung gagawin niya yun di ba, eh napakatalino naman ng aking kaibigan para i-allow yun at gawin sa buhay niya, I mean you can draw a lot of issues with Claudine, she’s a strong women and hindi naman po niya papatulan yung ganyan ganyang issue.”

Isa si Bianca sa mapapanood sa up coming stage play ng Hiraya Theater Production ang ” Sinadasal ” with BJ Tolits Forbes, Marvien Mendoza, Ethyl Anne Osorio. Paul Jake Paule, JP Sumucad atbp. sa direksiyon ni Direk Rommel Chaps Manansala.

KAABANG-abang ang bagong Talk Show sa Youtube na OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon), sina Jobert Sucaldito at Direk Rommel Chaps Manansala na mapapanood sa Jobert at Chaps Youtube Channel twice a week.

Ayon nga kay Direk Chaps “Maraming bagay akong natututunan kay Tito Jobert kasi up close and personal ko ng napapanood ang hosting niya.” Habang papuri naman ang naging pahayag ni Jobert kay Direk Chaps; “Masarap kasing katrabaho ang matalino katulad ni Direk Chaps, kaya siguro nag eenjoy ako sa tambalan at show namin. ” Dalawa nga sa gustong ma interview ni Jobert sa OOTD sina Boy Abunda at President Ferdinand Bongbong Marcos. Habang sina Boy Abunda at Cristy Fermin naman ang gustong ma interview ni Direk Chaps. Laman ng programang OOTD ang maiinit na balita sa Showbiz, Pulitika atbp.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *