kaya iyakin lately…. VICE GANDA, MAY MATINDING PINAGDARAANAN?

kaya iyakin lately…. VICE GANDA, MAY MATINDING PINAGDARAANAN?

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

INIHAYAG ni Ogie Diaz sa recent episode ng kanyang online show na Ogie Diaz Showbiz Updates na naninniwala siyang may matinding pinagdadaanan si Vice Ganda. Matatandaang napaiyak ang ‘It’s Showtime’ host while interviewing a 6-year-old kid na sumali sa Mini-Miss U segment ng programa kamakailan lang. Ayon kay Ogie, kilalang-kilala na niya si Vice and puwede niyang sabihin nan may pinagdadaanan ang TV host sa kanyang buhay kaya naging sensitibo siya sa sinabi ng Mini Miss U contestant. Ani Ogie, he knows Vice very well and he can say that he must be going through a difficult phase.

“Sa pagkakaalam ko, sa pagkakakilala ko sa kanya, eh, me pinagdaraanan ngayon yan,” pagsisiwalat ni Ogie. Dito na rin nagsimulang itanong ni Mama Loi Villarama si Ogie kung ano kaya ang pinagdadaanan nitong matindi sa kanyang buhay ngayon. “Eh ano sa palagay mo Nay?” hirit ni Mama Loi. “Siguro yung mga ano… Alam mo naman yang si Vice, di ba? Sobra siyang immersed dun sa ‘It’s Showtime’ and sobra niyang mahal yung show,” sagot ni Ogie.

Iginiit din ni Ogie na Vice plays a huge role in the show. “So kumbaga siya yung puno’t dulo kung bakit hanggang ngayon eh sumisipa pa rin sa ratings ang “It’s Showtime. Siyempre andun na rin yung mga ibang co-hosts, pero siya yung pinaka-poste dun eh,” patuloy pa ni Ogie. Posible din daw na ang MTRCB issue ay isa sa dahlan kung bakit Vice is having a difficult time right now. “Tapos, siyempre diba may mga issues sa MTRCB, ganyan, na kino-call-out palagi, konting kibot, kino-call-out sila ng MTRCB o ng mga netizen,” the showbiz reporter said.

“Siyempre, kung kilala ko si Vice, feeling ko isa yun sa kanyang mga dinaramdam. Na parang sa kabila ng lahat ng pagpapasaya namin sa mga tao, eto pa yung kanilang nakukuha,” sabi pa niya. Pero kaagad namang nilinaw ni Ogie that what he said was just his own opinion. “Basa ko lang naman yun sa mukha ni Vice ha,” wika pa niya. The Unkabogable star is currently in a relationship with Ion Perez. She and Ion got their Certificate of Commitment in a special ceremony in Las Vegas, Nevada on Oct. 19, 2021.

Kamakailan lang, na-surpise ang ‘It’s Showtime’ hosts were surprised-by nang mag-guest sa programa sina Michael V. and Manilyn Reynes. The two of them even had a production number with one of the hosts of the said show na si Ogie Alcasid.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *