SHOWS NI SHERYN REGIS SA US of A, FLOPSINA GALORE

SHOWS NI SHERYN REGIS SA US of A, FLOPSINA GALORE

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NAKAKALUNGKOT ang balita tungkol sa sinapit ng concert ni Sheryn Regis sa Amerika. Ayon sa unang source namin, nasa 40 katao lang daw ang nanood ng concert ni Sheryn sa New York. Pero kwento naman ng isa pa namin source, less than 30 persons lang daw ang nanood sa New York. At ang nagsabi raw mismo sa second source namin ay ang mismong producer daw ng concert ni Sheryn sa New York. Kaya ang Sheryn, naiyak na lang daw sa kinahinatnan ng show niya sa US. Ang producer na ito raw ang siya nag-produce ng lahat ng shows ni Sheryn sa America at Canada.

Hindi raw pwedeng sabihin na hindi na-promote ang show ni Sheryn kaya nilangaw, gaya sa Texas, dahil pareho lang daw ang line producer ng shows ng shows ni Moira and SB19 ang kinuha nila. At maging amg buong team daw ni produ ay ginawa lahata para ma-promote ng husto ang shows ni Sheryn. Kaya sa ibang shows ni Sheryn sa US na 40 lang daw ang bumili ng ticket, no choice sila kundi kanselahin daw ang show. Lahat daw halos ng shows flop pati sa Canada. Except sa Vancouver dahil taga-rito ang kapatid ng producer na influential sa Filipino community.

Bumili raw sila ng ticket kahit di kilala si Sheryn. Okey din daw ng konti sa Alberta, Canada. Pero sa Toronto at Montreal, nalugi raw ang producer. Lugi na raw sobrang sama pa raw ng ugali ng jowa/manager ni Sheryn. Binastos daw pa raw ng jowa/manager ni Sheryn ang producer. Tapos hindi daw pinipigilan ni Sheryn ang kanyang jowa/manager nu’ng huling nag-away sila ng producer. Tinalakan din daw nu’ng jowa ni Sheryn ang producer na bagong gising tungkol lang sa luggage. May luggage daw na hindi pa bayad sa airline. Sabi ni producer, sige ako bahala. Bayaran nyo muna sa check in then I will pay you back. Nagalit daw si jowa at sinabi na dapat daq inayos na ‘yan ng pasigaw.

Uuwi na nga lang daw sila may problema pa. Kaya tumaas daw ang dugo ni producer kasi di nya ma-take ang makailang ulit na pambabastos sa kanya sa tour. Nag-away ng bongga si jowa/manager at yung producer. Hindi na raw na-resolve. Very squammy daw ang ugali nu’ng jowa/manaher ni Sheryn. May insidente rin daw sa Montreal, Canada na nagpa-dinner ang sponsor. Hindi raw kumakain ng meat si Sheryn. Eh, ang nilabas na food hindi lahat makain ni Sheryn. Nagalit daw nu’ng jowa/manager at sinugod ang kitchen.

Inaway daw ni jowa si producer ay nagkasagutan sila. Nagmagandang-loob nga lang daw ang producer kaya niya iprinodyus ng show si Sheryn. Naawa kay Sheryn and he wanted to help her again. Thinking na may market pa si Sheryn. Sabi raw ng producer sa source namin, binudol siya nu’ng jowa/manager ni Sheryn. Galit na galit daw ‘yung produ at akala niya nung nag-produce siya ng show ni Sheryn, ipro-promote nito ang concerts. Ang siste, ang prinomote raw ni Sheryn ay yung loveteam nila ng jowa/manager niya. Ganern?

No description available.

NAPANOOD namin ang first episode ng bagong Kapamilya suspense-thriller drama series na ‘Senior High’. Very delicate ang topic at may hatid na mahahalagang aral tungkol sa mental health ang mensahe. Pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat Magsisimula ang kwento sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel Aquino) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanya ng mag-isa.

Mag-iiba ang buhay ni Sky nang mag-enroll din siya sa eskwelahan nina Luna, ang prestihiyosong Northford High. Dito niya makikilala ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante at isa na rito ang grupo ng mga mayamang bully na magkapatid na sina Archie (Elijah) at Z (Daniela Stranner), ang boyfriend ni Z na si Gino (Juan Karlos), at isa pa nilang kaibigang si Poch (Miggy Jimenez). Mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *