ANDREA BRILLANTES, INAMIN MINSAN NALIGAW NG LANDAS SANHI NG KABATAAN

ANDREA BRILLANTES, INAMIN MINSAN NALIGAW NG LANDAS SANHI NG KABATAAN

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

HINDI iniisip ng Kapamilya star at bida ng primetime series na Senior High na si Andrea Brillantes na siya ang ‘next important star’ or ‘future drama princess’ ng ABS-CBN kaya ibinigay sa kanya ang dual role ni Sky at Luna sa serye. “Hindi ko po kasi tiningnan na ganun yung trabaho ko, eh. Na ako na yung next or gusto ko ganito,” pahayag ng dalaga. “Of course, masarap pong pangarapin at masarap mangyari po yon, pero every time na may gagawin ako mas tinitingnan ko lang siya na blessing for it sa akin at sa pamilya ko po bilang breadwinner pa rin ako. Hanggang ngayon mas tinitingnan ko pa rin ito na trabaho at artista ako. At dapat lagi ko pa ring galingan. Kung hindi ako yung maging next okey lang kasi baka yon yung plano sa akin ni Lord. Ganun ko po siya tiningnan. Never akong nasisilaw o nadadala na kailangan ako na yung next. Gusto ko lang talagang pagbutihan ang trabaho ko at bawat eksena ko mabigyan ko ng puso at justice yung role ko po,” dagdag pang katwiran ni Andrea.

Halos 12 taon na ring nagtatrabaho sa showbiz si Andrea at nag-i-enjoy naman daw siya nang husto dito. Lahad niya, “Andito lang po ako to enjoy at tsaka passion ko kasi to eversince I was three years old. So, ngayon na meron ng… mabigyan lang ako ng show masayang-masaya na po ako.” Nakaka-relate ba siya sa role niya bilang si Luna na madalas ding binu-bully? “Ah, with Luna po, I relate to Luna as Blythe not as Andrea na artista na laging bina-bash. Ano kasi, wala na kasi akong magagawa do’n. Mas nakaka-relate po ako with Luna kasi actually, there was a point in my life na parang napasok din ako sa friend group tapos akala ko friends ko sila hanggang sa nare-realize ko na, ‘Oh, my God unti-unti na akong ginagawang alila or yaya nila, tapos hanggang sa yung friends ko parang nabu-bully na pala ako, and yung mga frieds ko na ‘to galing din po sila sa prestigious schools, tapos sobrang mga below the belt na din yung mga ginagawa nila sa akin. Tapos don po ako nakaka-relate with Luna kasi minahal ko tong friend group na ‘to. Hindi naging maganda yung mental health ko. I was at my lowest. I was so young, hindi ko nakilala ang sarili ko. Sobrang napunta ako sa friend group na bad influence po talaga. But luckily, thank you sa Diyos nakawala aka dun and nahanap ko naman na yung sarili ko and pag tinitingnan ko na lang siya na kinailangang mangyari yon sa buhay ko,” tugon ng aktres. Sa bashers naman online, wala, eh, wala akong magagawa sa kanila, eh. Lahat ng gagawin ko papansinin nila, eh, di okey. At least, eto pa rin naman ako,” sabi pa niya.

Kanino ba siya tumatakbo kapag nasa lowest point siya ng kanyang buhay? “My sister. Kaya nakakahugot din po ako dito sa twins na ‘to. Sister ko po talaga, siya yung best friend ko, siya yung soulmate ko, yung ate ko. After her, sa Diyos po. Medyo naging on-off yung relationship ko with him kasi madalas kapag sobrang lalim na, sobrang bigat na mapapatanong ako, ‘Bakit ganyan, bakit ganyan?’ Pero ngayon naintindihan ko na kung bakit kinailangang mangyari ang iba’t ibang bagay sa buhay ko at bakit kinailangan akong talikuran ng iba kasi ibig sabihin no’n hindi ko sila kailangan sa buhay ko dahil hindi sila nakakabuti sa akin. So ngayon, si Lord po talaga. Ngayon na-build ko na talaga na, ‘Hindi, magaling Siya at Siya alam niya lahat.’ Alam niya kung ano ang ikakabuti para sa akin at tiwala na lang kay Lord. Iiyak lang ako,’Lord, ba’t naman?’ Playtime ka naman Lord.’ Iiyak kong lahat sa kanya tapos okey na,” dire-diretsong paliwanag ni Andrea.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *