YASMIEN KURDI AT MEL TIANGCO, DINIBDIB ANG PAGPANAW NI ‘MR. IMBESTIGADOR’ MIKE ENRIQUEZ

YASMIEN KURDI AT MEL TIANGCO, DINIBDIB ANG PAGPANAW NI ‘MR. IMBESTIGADOR’ MIKE ENRIQUEZ

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
No description available.
No description available.

ISA ang aktres na si Yasmien Kurdi sa mga nalungkot at umiyak, nang makarating sa kanya ang balitang sumakabilang-buhay na ang veteran broadcaster na si Mike Enriquez noong August 28 sa edad na 71.

“Paalam Sir Mike… Umiiyak ako dto sa taping kanina pa noong nalaman ko ang balita Kayo ay Isa sa pinaka coolest Boss sa GMA. Nakikipag fist bump ka pa sakin sa lobby. Sobrang bait at humble guy. May you Rest In Peace po. Maraming nagmamahal sa inyo. #MikeEnriquez.” Si Mel Tiangco ay hindi rin napigilang mapaiyak habang ina-announce niya sa kanilang news program na ’24 Oras’ ang pagpanaw ni Mike. Naging malapit kasi sila sa isa’t-isa mula nang magkasama sila sa ’24 Oras.’

No description available.
No description available.

KC CONCEPCION AT AMAING KIKO PANGILINAN, MAY COLD WAR?

AYON kay Ogie Diaz,nakarating sa kanya ang balita na pag-unfollow umano nina dating senador Kiko Pangilinan at KC Concepcion sa isa’t isa. Kaya tsinek niya ang instagram account ng mga ito at napatunayan niyang totoo ang balita.At maging si Kakie na kapatid ni KC ay in-unfollow na rin siya. Hiling lang ni Ogie na kung mayroong hindi pagkakaunawaan ang mga ito, maayos na rin agad sabi ni Ogie, “Sana, kung anuman ang problema ni KC sa kanyang inang si Sharon Cuneta, o sa kanyang stepdad na si Kiko, sa kanyang mga kapatid, sana i-patch up na, kasi at the end of the day, magkakapamilya kayo. Lalo na si KC ang pinakapanganay sa lahat ng magkakapatid sa side ng daddy niya sa side ng mommy niya. So dapat siya ‘yung tinitingala ng kanyang mga kapatid.” Mukha ngang may gusot na namamagitan ngayon kina KC at Kiko at kina KC at Kakie kaya nag-unfollowhan sila sa social media accounts.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *