sa Dear Heart concert….. TRIO NINA SHARON, GABBY AT KC CONCEPCION, INAABANGAN

sa Dear Heart concert….. TRIO NINA SHARON, GABBY AT KC CONCEPCION, INAABANGAN

May be an image of 1 person, money and text that says 'wase hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.
No description available.

TILA okey na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion dahil sa ginawang pagta-tag ni Mega sa kanyang anak sa post na sinubukan niya ang isang aging app ay nasundan. Ipinost ni Sharon ang poster ng international movie ni KC na Asian Persuasion at ini-repost ang post/caption nito.

Sabi ni Sharon, “America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! @kristinaconcepcion God be with you, anak. Please take care of yourself.” Na sinagot ni KC ng: “Like I always tell you, mama, though I`m not perfect, everything I do is for you.”

Muling sinagot ni Sharon ng; “kristinaconcepcion still praying we get to talk. After all your work na, anak. God is good. Nothing would make me happier than having my whole family with me and don`t ever forget you are part of ours too…I am mother first, and my heart will only be complete once things are sorted out. Remember, anak, that only those who truly love you will tell you what is true, what will make you better person. We all love and care for you. See things from that perspective and you will see differently. I love you. Daddy and your siblings love you.”

Dahil sa conversation ng mag-inang Sharon at KC ay marami ang naiyak sa tuwa at okey na ang mag-ina at siguradong mas magiging okey pa kapag nakapag-usap na gaya ng sinabi ni Sharon. Kaya yung mga nagtatampo kay KC, parang love na uli siya dahil sa ginawang post ng Megastar. At lalong magiging masaya ang lahat, lalo ng fans kung dadalo si KC sa Dear Heart concert ng kaniyang mga magulang na sina Sharon at Gabby Concepcion at tamang-tama that time ay naipalabas na sa America ang movie ni KC at nakabalik na siya sa bansa.

Napakagandang eksena kung magsasama sa stage ng concert ang tatlong na masaya at lalong magiging memorable kung kakanta silang tatlo on stage na masaya at nagtatawanan dahil sa sobrang kaligayahan. Sigurado na ito rin ang matagal nang pinapangarap ni KC na makita ang kanyang mga magulang on stage na magkasama at masayang kumakanta. Nasabi nga ni KC sa isang interview sa kanya na pangarap niyang makita muli ang kanyang mga magulang na masaya at maging magkaibigan muli.

Alam ni KC na lahat ng mga katulad niya ay ganito rin ang pangarap na makitang masaya muli ang kanilang mga magulang at maging magkaibigan uli. Pero alam din ni KC sa pangarap niyang magsama muli kahit isang gabi sa concert sina Sharon at Gabby ay hindi na niya hinangad na magsama sila muli dahil may kanya-kanya ng pamilya ang kanyang mga magulang. Gusto lang niya makita ang mga magulang na okey na muli at masayang nag–uusap at kumakanta na magkasama. Kaabang-abang tuloy ang nalalapit na Dear Heart concert nina Gabby at Sharon kung magsasama nga ba sa stage ang tatlo na masayang nag-uusap at kumakanta. If ever na mangyari nga ito sa gabi ng concert nina Gabo at Mega ay siguradong marami ang iiyak sa kasiyahan. Unang-una na si KC na mababaw lang ang luha. Pero taka, manonood kaya si Kiko Pangilinan sa concert ng dalawa.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *