PACQUIAO,HIHIRIT SA 2024 PARIS OLYMPICS

PACQUIAO,HIHIRIT SA 2024 PARIS OLYMPICS

No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

HANGAD pa rin ng pambatong Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao ang kanyang pagnanais na lumaban upang maiangat ang bansang Pilipinas para sa 2024 Paris Olympics na pangarap niya na matupad makakuha ng gintong medalya sa buong buhay sa kasaysayan ng olympiad. Napag-alaman ito ng publiko nang ipaalam ni Pacquiao sa paglulunsad ng kanyang bagong liga, ang Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA), sa Sheraton Hotel kamakailan.

Una nang ipinahayag ni Philippine Olympic Committee (POC), President Abraham “Bambol” Tolentino noong nakaraang buwan (Agosto 30, 2023) sa pagnanais at interesado na lumahok ni Pacquiao sa isang Olympic gold medal sa Paris sa susunod na taon. Talagang dinoble ng boksingerong eight-division World champion na si Pacquiao ang kanyang pangako na sumali sa nasabing Paris Olympic, idinaan sa paglulunsad ng kanyang MPVA na liga para sa mga kababaihan na volleyball tournament naman.

Ayon kay Pacquiao, “waiting for that. I’m excited for that. From the very beginning, the reason I went to Manila is because I wanted to join the Philippine national team.” “Pero hindi ako na-pick up kasi hindi daw ako marunong magboxing. Kaya napilitan akong maging professional at the age of 16. Yun ang dahilan nito pero sa simula pa lang, pangarap ko at hangad ng puso ko na manalo ng isang gintong medalya sa Olympics” dagdag pa ni Pacquiao. “We’re still talking about the process of the qualifiers if I still have to participate or not. We will have an announcement about it,” sabi ni Pacquiao. Iyan ang mga saloobin na sinabi ng 44-year-old Philippine boxing icon, na nagretiro noong 2021 para bigyang-daan ang kanyang presidential bid, at ngayon ay umaasa pa rin siyang mananalo ng ginto sa Olympics para sa ikakarangal ng bansa. Nabatid pa sa ulat na si Pacquiao, na kasalukuyang tumitimbang ng 66 kilo, ay kailangan dumaan sa dalawang Olympic qualifying tournaments na nakatakda sa unang bahagi ng susunod na taon at ikalawang quarter ng taon na 2024 na maaaring maging kwalipikado si Pacquiao para sa Paris Olympics kung papalarin si Pacquiao na makakuha ng puwesto sa ilalim ng Universality Rule, na ibibigay ng International Olympic Committee.

Ang nalalapit na 19th Asian Games sa September 23 hanggang October 8, sa Hangzhou, China ay isang paraan na maging kwalipikasyon para sa Olympics ngunit hindi na makakalaban si Pacquiao na 44-anyos na ngayon para sa torneo, dahil mayroon itong age limit na 40 years old para sa larong boksing. Samantala, determinado si Pacquiao sa kanyang misyon na tumulong at bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong atleta na makipagkumpetensya na mahamon ang mga tao na magpakitang gilas sa kanilang kakayahan at talento sa larong volleyball kaya itinatag niya ang MPVA na halos pareho ang format ng kanyang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Dagdag pa ni Pacquiao, “Napakaraming magagaling na manlalaro na hindi lang nagkakaroon ng pagkakataon. I’m hoping the MPVA will be an institution league here in the country especially for homegrown players.” Nabatid na ang unang torneo nito na maumpisahan sa buwan ng October 2023 para lamang sa mga babaeng volleyball player ngunit palalawakin ito para naman sa men’s tournament sa susunod na taon, sabi pa ni Pacquiao. Ibinahagi rin ni Pacquiao sa mga mamamahayag na ang isang volleyball junior’s division ng liga ay nasa programang isports din na pinaplano para sa mga young people. “We’ll also have the junior MPVA later like the junior MPBL,” sabi pa ni Pacquiao.

Samantala, ang mga kalahok sa women’s senior volleyball ay ang mga sumusunod na team Blue Hawks, Marikina, Caloocan, Rizal, Biñan, Agusan, Manila, Bulacan, Bacoor, Quezon City, ito ay sampung koponan ang nagkaroon ng partisipasyon sa darating na inaugural ng MPVA volleyball tournament na isang home and away na larong format tulad ng MPBL basketball tournament. (Joseph Elias Bontogon)

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *