GILAS PILIPINAS MEN’S TEAM NASA NO. 38 SA 2023 FIBA WORLD CUP RANKINGS

GILAS PILIPINAS MEN’S TEAM NASA NO. 38 SA 2023 FIBA WORLD CUP RANKINGS

No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

ANG Gilas Pilipinas na koponan ay kahanga-hangang tunay na ginagawa ang lahat sa abot-kaya na pagsisikap at nagpakitang gilas sa nasabing 2023 FIBA World Cup nang nagtagumpay ang bansa na umakyat mula sa ika-40 hanggang ika-38 na puwesto sa pinakahuling talaan na inilabas ng international group ng basketball sa FIBA world rankings habang ang USA Team naman ay nabawi ang naunang puwesto. Nabatid sa ulat ng larong basketbol kung tutuusin ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ay hindi nawalan ng kabuluhan na ibinandera ang abilidad at kakayahan ng national team players.

Nagtapos ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na may 1-4 record sa katatapos na torneo. Ang bagong kampeon sa FIBA basketball World Cup 2023 na torneo ang bansang Germany ay gumawa ng napakalaking paglukso ng national squad na pumasok sa Top 3 ng mga ranking matapos umakyat ng walong puwesto na nakakuha ng 759.7 na ranking points, sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng basketbol ng nasabing bansa. Habang ang bansang Serbia na nakalaban sa kampeonato ay tumalon ng pwesto para makapasok sa Top 5 na ranking sa FIBA tournament. Ang kahanga-hangang pagsisikap sa paglalaro ng isports sa pag-akyat ng Team Germany sa ikatlong pwesto sa world cup ranking ay isang highlight ng kanilang eight-game sweep ng FIBA World Cup sa sunod-sunod na pagkapanalo nito sa basketball tournament laban sa mga iba’t-ibang team at kalaunan sa bansang Serbia para sa gold medal match.

Ang Estados Unidos naman ay nagawang bawiin ang unang puwesto sa FIBA world rankings mula sa Spain sa kabila ng nakakadismaya na paglalaro ng natalo ang mga magigiting na manlalaro ng Amerikano sa bronze medal match game sa Team Canada. Samantala, dahil sa pag-unlad ng Team Gilas, ang bansang Pilipinas ngayon ay itinuturing na kabilang sa mga 40 pinakamahusay na mga koponan ng basketbol sa kasaysayan ng mundo ayon sa kalkulasyon ng FIBA management. (Joseph Elias Bontogon)

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *