SHARON CUNETA, INAMING DI MANONOOD NG CONCERT NILA GABBY CONCEPCION ANG ASAWA AT MGA ANAK

SHARON CUNETA, INAMING DI MANONOOD NG CONCERT NILA GABBY CONCEPCION ANG ASAWA AT MGA ANAK

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO ww deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

PAKIUSAP ni Sharon Cuneta na tigilan na ang pagsulat sa naging isyu sa kanila ng anak na si KC Concepcion. Sana naman daw ay tungkol sa concert nila ni Gabby Concepcion ang isulat. Finally, pagkatapos ng apat na taon ay itinuloy na rin ang concert na pagsasamahan nila ni Gabby at ito ay para sa kanilang fans ng ex-husband na matagal nang inire-request na magsama sila uli sa isang concert. Kaya naman kahit may kamahalan ang ticket ng concert ay bumili at bibili ang mga fans. Katunayan ang pinaka-mahal na ticket ang unang na-sold-out.

Grabe pa rin ang lakas ng magic nina Sharon at Gabby sa kanilang diehard fans na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin na sumusuporta kahit may kanya=kanyang nang pamilya ang dalawa. Bawal pang i-announce ang mga guest sa concert at ang inihayag pa lang ay ang director na si Paolo Valenciano at ang musical director ay si Louie Ocampo. Hindi masabi ni Sharon kung ilang oras tatagal ang concert pero ang target nila ay dalawang oras. Pero paano naman kung mag-request ng ‘more` ang mga fans?

Binuksan ni Sharon ang tungkol sa kanilang billing ni Gabby sa poster dahil nagtatanong ang kanyang fans kung bakit siya pumayag na mauna ang pangalaa ni Gabby kaysa sa pangalan niya. Katuwiran ni Sharon, pagdating sa concert, pangalan niya ang mauuna sa billing. “Kung may movie kaming gagawin, una dapat ang name ni Gabby sa billing, pero sa pagkanta, una ako. No problem with me. I know my place in the business. I need to give respect to Gabby. I want to give him the respect,” say ni Sharon. Una ang pangalan ni Gabby sa poster ng concert bago ang pangalan niya. Pero sa ticket naman daw ay una ang pangalan ni Sharon.

Mala-K Pop ang galawan ni Sharon at ang team niya sa concert dahil maglalabas sila ng merchandise, “I will release the merch earlier. May t-shirt, may hoodle, may light stick, wait for it.” Hindi manonood sa concert nila ni Gabby si former Senator Kiko Pangilinan at ang kanilang mga anak. “Kiko and the kids will not watch the concert. Ayaw ko silang masaktan at ayaw kong mailang kami ni Gabby, “ say ni Sharon Maaaring ganu`n din siguro sa parte ni Gabby na hindi manonood ang wife niya at ang kanilang dalawang anak para makaiwas sa isyu na rin. Ang sigurado ay manonood si KC at baka maging surprise guest pa ang kanilang first child, kahit sinabi na ni Sharon na wala sa guest list ang anak nila ni Gabby. Ang gandang tingnan at panoorin kung makikita on stage ang tatlo na kumakanta at nagtatawanan dahil hindi na yung mauulit pang muli.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *