NADINE LUSTRE, NAGING INSTANT FUR MOM SA LIMANG TUTA

NADINE LUSTRE, NAGING INSTANT FUR MOM SA LIMANG TUTA

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

SINALUDUHAN ng netizens ang mahusay na aktres na si Nadine Lustre na di lang mahusay na aktres, kung hindi mabait at may puso sa mga alagang hayop. Nakarating kasi sa kaalaman ng Netizens ang ginawang pagsagip ni Nadine sa limang tuta na planong itapon sa ilog ng may-ari na kung nagkataon ay ikinasawi ng limang kaawa-awang tuta.

Sa Instagram post ng aktres sinabi nito na napag-alaman niya na balak itapon ng may-ari ang mga tuta dahil sobrang dami na umano ang inaalagaan na aso ng huli. Kinuha daw ni Nadine ang mga tuta dahil hindi daw nito lubos maisip na may mga tutang maaring mapahamak at mamatay. “I couldn’t stand thinking they might die.” Nasa pangangalaga ngayon ni Nadine ang mga tuta, habang naghahanap ito ng mga taong gustong umampon sa mga tuta.

ISA ang singer and actress na si Shira Tweg sa parte ng Starkada na ini-launch. Kasama ni Shira ang 31 pang talented individuals na undergo ng intensive workshops and trainings. Kung saan ang award-winning actor and director na si Eric Quizon ang head of Net25 Star Center.

Present din sa nasabing launching ang President ng Net 25 na si Sir Caesar Vallejos at si Mam Wilma Galvante. Ilan sa malaki ang potensyal na sumikat sa Starkada sina Juan Atienza, John Heindrick , Miyuki De Leon, Nicky Gilbert, Via Lorica, Bo Bautista, Crissie Mathay, Migs Rubia, Sofi Fermazi, Celyn David and Shira Tweg.

No description available.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *