OLIVER AQUINO, PROUD SA KANYANG ALAGANG TALONG

OLIVER AQUINO, PROUD SA KANYANG ALAGANG TALONG

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

HINDI raw issue sa mahusay na aktor at lead actor ng pelikulang “The Last Resort” na si Oliver Aquino ang magkaroon ng frontal nudity sa pelikula lalo na’t nagawa na daw nito once sa pelikulang “Gino and Marie” kung saan kinilala ang kanyang husay bilang aktor. Ayon pa kay Oliver sa mediacon ng “The Last Resort” na ginanap sa 77 Limbaga na as long as kailangan sa istorya at sa ikagaganda ng pelikula okey lang sa kanya na magkaroon ng frontal nudity sa mga susunod pa niyang pelikula. At sa pelikulang “The Last Resort” ay sobrang dami daw ng lovescene nito at meron siyang pa butt exposure, kaya wala daw kukurap at abangan ang nasabing eksena.

Leading lady ni Oliver sa movie ang mahusay na aktres na si Erin Ocampo na first time na magpapa sexy sa movie. Makakasama nina Oliver at Erin sa movie sina Paolo Paraiso, Rolando Inocencio, Chloe Garcia, Mia Alvarrz, Czarina Chong, Rico Monzon and Ann Pomer, sa direksiyon ni Jay Altarejos, executive producers Richard Perez and Dave Lao, hatid ng Goblin Films at mapapanood sa Sept. 26, 2023. Kasabay ng mediacon ng “The Last Resort” ang launching ng Goblin- the hottest and naughtiest streaming platform sa bansa.

No description available.
No description available.

MARICEL SORIANO at RODERICK PAULATE, NAGDRAMA NG MULING MAGSAMA SA PELIKULA

MULA sa pagiging awardwinning singer ay di na rin matatawaran ang husay sa pag-arte ni LA Santos na pinabilib at pinaiyak kami ng mapanood namin ang teaser ng pilekulang “In My Mother Eyes” na hatid ng 7K Entertainment, Executive Producer Florita Santos at sa Direksiyon ni FM Reyes. At kahit nga baguhan sa pag arte ay hindi ito nagpakabog at nakipagtagisan ng galing sa pag arte with Diamond Star Maricel Soriano at Roderick Paulate na sobrang husay din.

Napakaganda ng pagkakasulat ng story ng award-winning screenwriters Gina Marisa Tagasa and Jerry Gracio, at napakahusay na direksiyon ni FM Reyes na first time na gagawa ng pelikula Nawa’y makapasok ito sa last four na pelikulang pagpipilian para makumpleto ang top 8 entries para sa 2023 Metro Manila Film Festival dahil paniguradong maraming Filipino ang makaka-relate dito at maraming matututunang aral sa pelikula. Ilan pa sa makakasama nina LA, Maricel at Roderick sa movie sina Ogie Diaz, Vivoree Esclito, Elyson De Dios, Reign Parani, and Maila Gumila.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *