POKWANG, GUSTONG IBAHAGI SA ANAK ANG PINAGDAANANG SALAT NA PAMUMUHAY

POKWANG, GUSTONG IBAHAGI SA ANAK ANG PINAGDAANANG SALAT NA PAMUMUHAY

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

GUSTONG ibahagi ni Pokwang sa anak na si Mae ay naging realizations niya sa buhay pagkatapos niyang ma-in love sa ama ng kanyang bunso na si Malia. Idinaan din niya sa parang pagbibigay ng payo ang gusto niyang sabihin sa panganay.

“Sasabihin ko sa kanya mahalin mo ang sarili mo. Kung gusto mong magtrabaho magtrabaho ka. Siyempre, bilhin mo lahat ng gusto mo. Mabuhay ka ng gusto mo! Kung gusto mong mag-travel enjoyin mo ang buhay mo. Kasi lahat ako hindi ko nagawa yon, eh, kasi dumating siya sa akin, si kiyeme, sa kanya ako nag-focus. Yung kaligayahan ko so chururot bumble bee, pumokus ako masyado sa kanya at nakalimutan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko na gusto ko pala ng bagong kiyeme, bagong damit. Sa kanya ako ang-focus kaya sasabihin ko sa anak ko, ’Love yourself para buong-buo ka. Para pag nagmahal ka…”

Ang tinutukoy ni Pokwang na si “kiyeme” at “chururot bumble bee” ay ang kanyang ex-partner na si Lee O’Brian. Nakausap si Pokwang sa storycon at cast reveal ng suspense thriller movie ng Wide International Film titled Slay Zone. Direktor ng pelikula si Louie Ignacio at kasama ring bida ni Pokwang sa movie si Glaiza de Castro. Naiintindihan ni Mae ang klase ng trabaho ni Pokwang bilang artista. At ngayon pa lang daw ay pilit na rin niyang ipinauunawa ang tungkol dito sa bunso niyang si Malia.

Pahayag niya, “Yung mga anak ko, pinaintindi ko sa kanila kung ano yung trabaho ng mama. And pinalaki ko sila na huwag maging judgmental sa pamilya man, kaibigan o ano – huwag. Tsaka pinainintindi ko sa kanila na ang trabaho ng mama ay mapasaya at nagbibigay ng tuwa sa ibang tao at ito yung ginawa kong paraan to provide for them at matupad ang kanilang mga pangarap.”

Patuloy niya, “Now, kung ang mga wino-worry naman ninyo ay yung mga nangyayari sa akin at balang araw magku-question si Malia, ngayon pa lang po pinadadama ko sa kanya kung ano yung pagkukulang ni chururot bumble bee, eh, 10 beses ko pong binibigay, pinupunuan ko ng 10 beses. And buti na lang talaga wala siyang na-invest sa anak niyang emosyon kaya hindi magku-question yung bata na ‘Where is he?’ Alam na ng bata na masaya kami. And ready rin naman ako sa kanya pag nagtanong siya. Siyempre, responsibilidad ko yon bilang nanay.” Masaya ang komedyante na sunud-sunod ang mga projects na kanyang ginagawa. Tamang-tama daw ito dahil nagpapatayo pa siya ng bahay. “Siguro talagang dinadala ka ni God sa tamang ano… kung saan ka Niya… dito ka, dito ka! In fact, katatapos lang po ng movie namin ni Uge [Eugene Domingo] para dun sa film festival naman. Katatapos lang namin. Nailalagay sa tamang… anong tawag dito? Yung pagkakasunud-sunod lang. And then, nagpapagawa ako ng bahay na may malaking kitchen para po dun sa paninda ko na ibabalik ko ho next year, yung Mamang Pokwang’s Gourmet. Parang commissary ko. Siyempre, kailangan ko talagang mag-tripleng kayod, kasi ako lang talaga ang aasahan ng mga anak ko. Alam niyo naman ang mahal ng tuition ni Malia, and I want the best for her. Kung naibigay ko yung best para kay Ate Mae, kailangan ganun din kay Malia. Gusto ko sa mga anak ko, pantay ang makukuhang magandang edukasyon. Ganern! So, kayod nang kayod hangga’t kaya,” sabi pa ni Pokwang.

Kapansin-pansin na mas blooming ngayon si Pokwag kumpara dati. “Pagka napendeho, di ba, dapat magpaganda ka lalo. Para any monument masalubong mo siya, errr ganern! Kesa naman magmumukmok ako. Huhuhu. Tapos makikita ka niya, losyang na losyang ka. Magiging masaya siya lalo. Kailangan, ‘Maglaway ka! Dami kong trabaho, beh!'” natatawa niyang pahayag.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *