PELIKULA NI ERIN OCAMPO PANTAPAT NG GOBLIN SA VIVAMAX

PELIKULA NI ERIN OCAMPO PANTAPAT NG GOBLIN SA VIVAMAX

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

SI Erin Ocampo ang isa sa mga bida ng pelikulang “The Last Resort” ng Goblin Films. Napapanood ang peliula sa website ng Goblin simula pa last Setyembre 26, 2023. Dating miyembro ng Girltrends si Erin bago naging girlfriend ng singer na si Michael Pangilinan. Nagkaroon ng anak ang dalawa – si Kiel – na 8 taon na ngayon. May breast exposure ba siya sa ‘The Last Resort’ na pinagbibidahan din nina Paolo Paraiso at Oliver Aquino na mula sa ilalim ng direksyon ni Jay Altarejos? “Abangan niyo po!” natatawang sagot ni Erin sa ginanap na mediacon ng pelikula. “Hindi po siya actually (breast exposure) normal to me, kasi hindi talaga ako pumayag about don,” dagdag ni Erin. “Kasi siyempre, hindi naman po kami nakikipagkumpitensya sa kabila [Vivamax]. So kaya ko rin po tinanggap ang movie na ito, kasi maganda talaga ang story. And yung paggawa po namin, siyempre, hindi na rin maiiwasan yung mga… lalo na yung part namin ni Paolo Paraiso, grabeng madugo po talaga yun,” lahad ng dating Girltrends member.

Ayon pa kay Erin, meron pa rin siyang limitasyon sa mapangahas na eksena sa pelikula. “I’m still a mom. And yung anak ko, sobrang… pagdating sa pagdadamit ko, ‘Mom, your dress is inappropriate! Like… change!’ Ganun siya. He’s turning 8 na this coming December,” rason niya. Nagpaalam ba siya sa anak na si Kiel na may ganito siyang klaseng pelikula? “Hindi. Hindi! Hindi na po. Hindi ko na lang sinabi sa kanya. Pero siyempre, hindi natin alam, mamaya paglaki niya, pag nanonood na siya, makikita at makikita niya. So as much as possible naman po kasi… I’m doing films like this pero hindi po yung paganun na. Kasi meron din po akong teleserye ngayon. Hindi ko po nili-limit ang sarili ko sa mga puwede kong gawin,” sabi pa niya. Nakikitaan ba niya ng interes mag-showbiz si Kiel? “Hindi ko pa po masabi. Pero ngayon, school muna. Pero hindi ko masabi, ang galing kumanta!” Mana sa tatay niya, ang taas ng boses. Nakuha kay Michael [Pangilinan] ang boses, eh. Tapos nagpe-painting din. Nakuha naman sa akin ang kamay. Matalino. Honor student. Nasa international school siya ngayon kasi,” pagmamalaki ni Erin.

Kumusta na ba ang relasyon nila ngayon ni Michael at yung mag-ama? “Nasa kanya po ngayon. Every week, nakukuha niya. Every Wednesday to Friday, nasa kanya. Okey na po,” kuwento ni Erin. Wala na rin daw isyu sa pagitan nila ni Michael? Aniya, “Actually, I’m very happy for him. Di ba, may baby girl na siya? (kay Garie Concepcion). Na parang… kumbaga kahit ano yung pinagdaanan namin in the past, kahit na hindi maganda, siyempre, di ba? Like ganun talaga. Nangyayari talaga yon sa totoong buhay. Kung iisipin mo nga, worse pa yung sa iba, di ba?” So growing up naman, hindi kami nagkulang ni Michael how to explain it to him na, ‘Ganito, mom and dad are best friends. Like they have their different lives.’ May mga tanong siya while growing up na unti-unti naming ine-explain sa kanya. Kasi, nature na yon ng bata. Parang nagwa-wonder siya, ‘May mom at dad ako pero hindi ko sila nakikita nang buo.’” Magkasundo sa co-parenting set-up sina Erin at Michael.

Kumusta naman ang financial support ni Michael sa anak nila? “Sa financial support, kasi, same pa rin naman po. Ganun pa rin. Parang ako, sabi ko na lang sa kanya, ‘Sige, huwag na.’ Kasi andami na naming issues before, di ba?” pagtatapat niya. “Hindi na ako nag-demand sa kanya ng kahit ano. Basta yung school ng bata, tulungan kaming dalawa. International school, eh. Hanggang college,” pahayag ni Erin. Okey lang ba sa kanya ang blended family? “Ako po, okey ako dun. Na parang… darating ang time na magkakasama kami sa family day. Alam mo yon? Kasi, normal na yon, eh. Matagal ko na po yung ino-offer sa kanila. Lalo na kay Michael. Matagal ko na yung ino-open na, ‘O, kung may problema kay Garie na magpa-family day tayo, puwede mo naman siyang isama.’ Ganun, para… hindi ko naman intensyon na kaya magpa-family day, para mag-rekindle kami. Ang tagal na panahon na yon! Ang akin lang, pinaka-concern ko lang is yung anak ko. Na kahit man lang once a month, di ba? Ma-feel niya na, ‘Ah, buo ang family ko.’ Kasi that’s all that matters talaga, pagdating sa bata na lumalaki.” huling pahayag ni Erin.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *