ABS CBN GRAND BALL 2023, JOIN FORCES ANG MGA MALALAKING BITUIN NG KAPAMILYA NETWORK

ABS CBN GRAND BALL 2023, JOIN FORCES ANG MGA MALALAKING BITUIN NG KAPAMILYA NETWORK

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

AS announced, ume-ere ang red carpet ng ABS-CBN’s Grand Ball ng saktong 9pm, hosted by Bianca Gonzales at Edward Barbers Of course nakatuon ang pansin ng mga madlang pipol, kung sinu-sino ang loveliest couples ng gabing yun. Siyempre pa.inabangan ng mga usyusero’t mga Maritess ang pagrampa nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla (KathNiel), na bagama’t solo-solo silang rumampa sa red carpet ay nagpang-abot naman ang reel-real life couple sa photo shoot section, kung saa’y eye-catcher Ang suot na damit ni Kath, na tila two-piece ang kasuutan at lantad ang kanyang tummy. Sexy as in tila panyo lang ang nakatakip sa dibdib.

Ang Ilang celebrity couples na nagbigay-saya ng gabing yun ay ang mga sumusunod: Vice Ganda -Ion Perez Coco Martin-Julia Montes Judy Ann Santos -Ryan Agoncillo Regime Velasquez -Alcasid-Ogie Alcasid Anthony Pangilinan-Maricel Laxa-Pangilinan Elisse Josin-McCoy de Leon Donny Pangilinan-Belle Mariano Seth Fedelin -Francine Diaz Kaye Abad- Jake Paul Castillo Gerald Anderson-Julia Barretto Chie Felimino-Jake Cuenca Maja Salvador -Rambo Nuñez Rico Blanco-Maris Racal Ria Atayde-Zanjoe Marudo Jericho Rosales -Kim Jones Sam Milby-Catriona Gray Izq Calzado-Ban Wintle Loisa Andallo-Ronnie Alonte Spotted din ang GMA-7 Executives nasina Atty. Felipe Gozon, Chairman at CEO ng GMA, at Ms. Annette Gozon-Valdez, Senior Vice Pres.for programming, talent management worldwide. And Kapamilya Executives, Carlo Kaugbaj, ABS CBN Pres , Cory Vidanes, COO ,Laurenti Dyogi, head of Star Magic, at iba pa, including Kapamilya CoroCom headed by Kane Errol Choa, sir Aaron Domingo at Justin Irons,

No description available.

NANG gabi ring yun ng Sabado, September 30 habang nasa red carpet sina Kathryn Bernardo at Ms. Dolly de Leon, inanunsiyo ng host na si Bianca Gonzales at Edward Barbers ang balitang, naka-P40-M na ang kinita ng pelikulang A Very Good Girl, as of that day (Saturday) handog ng Star Cinema. Ang nasabing movie ay kauna-unahang box-office hit ng taong 2023, after ng pandemic na naging salot sa showbiz industry dahil natakot ang mga madlang pipol na lumabas at manood ng mga pelikula dahil sa banta ng pandemya.

Umpisa ng lang ng taong 2023, wala pang naitatalang box-office hit sa takilya dahil sa paranoid o takot ng mga taong pumasok sa sinehan na baka mahawa ng sakit kahit idineklara na ng gobyerno na wala nang pangamba sa covid Kaya’t masasabi pa ring hawak pa ni Kath ang titulong Asia’s Box-office Superstar dahil sa kanyang karisma at popularidad sa mga tao..

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *