Dear Heart concert naging family bonding….. KC CONCEPCION, UMEKSENA SA STAGE; SHARON CUNETA, NAPAIYAK NG HUSTO; GABBY CONCEPCION, CHILL LANG

Dear Heart concert naging family bonding….. KC CONCEPCION, UMEKSENA SA STAGE; SHARON CUNETA, NAPAIYAK NG HUSTO; GABBY CONCEPCION, CHILL LANG

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

AS expected, naging nostalgic at unforgettable sa fans ang muling pagsasama nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanilang concert na Dear Heart na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kamakailan. Sa nasabing concert, pinasalamatan ni Gabby ang mga taong nakasama ni Sharon sa pagpapalaki sa kanilang anak na si KC Concepcion. In-acknowledge rin niya ang presence ng Filipino-Swiss boyfriend ng panganay na si Mike Wuethrich na kasama ni KC sa audience. Nagbilin pa ang Kapuso actor na alagaan nito ang kanyang ‘baby girl.’ Sinegundahan naman ito ni Sharon at nagbigay din ito ng mensahe kay Mike. “Michael, dalawang Panday ang nandito. Si Senator Bong at si Coco!”, pabirong banta ng Megastar. Ang tinutumbok ni Sharon ay sina Senator Bong Revilla at Coco Martin na parehong kilalang action stars at gumanap bilang Panday sa pelikula.

Pinagtanggol naman ni Gabby si Mike kay Sharon. Aniya, sa pagkakakilala raw niya ay mabait ang nobyo ni KC. Katunayan, isa raw ito sa mga nag-imbita sa kanya to have dinner. Naging markado naman ang concert dahil sa presence ng kanilang panganay na si KC. Nagpaluha sa mga manonood ang moment nilang tatlo bilang pamilya onstage. Si Gabby ang sumundo kay KC na nasa audience para umakyat sa entablado. “Ito ang madalas kong pinagdarasal, na sana one day, we can sing a song together, tayong tatlo. But this was a surprise,” sey ni Gabby. “This is impromptu. Ang galing mag-aral nito (ng kanta), kasi alam mo na, mana sa iyo,” sabi naman ni Sharon. “Pero I had a song for KC, you had a song for her. Usually this song is… as a love song, for weddings, but tonight, I will sing this for my eldest daughter…,” hirit ng Megastar. “And if there’s anything I regret…,” habang nakatingin kay Gabby at medyo maluha-luha na rin. “Tigilan n’yo ‘yan…,” malambing na sawata ni KC. “Sorry KC, we couldn’t give you that complete family… And papa and I never stop loving you, and you were never the problem…,” mensahe ni Sharon. Makita ko lang na okey na sila, okey na ako,” bulalas naman ni Gabby. Matinding tilian naman ang naganap nang punasan ng luha at pawis ni Gabby si Sharon sa mukha.

“Grabe para naman akong nasa isang panaginip,” sey naman ni KC. Dito na kinanta ni Sharon ang “Ikaw” na hindi niya natapos dahil sa pagiging emosyonal. Sa huli, nagbigay naman ng mensahe ang panganay ng ShaGab sa mga magulang at kafaneyan na sinalubong ng masigabong palakpakan. Aniya: “Ma thank you for… sa lahat ng mga single moms na nandito ngayon, o naging single mom dati, thank you for loving your children sa way na minahal ako ng mommy ko. And sa lahat ng mga fathers out there, na talagang mahal na mahal ang mga anak nila…’Yung past, past na `yon, but what matters is ‘yung ngayon, and ‘yung bukas, “Pareho ko kayong mahal na mahal na mahal… You both are my ‘Dear Heart’.”

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *