TITIG NI PAPA P KAY DARREN ESPANTO, MAY MALISYA NGA BA?

TITIG NI PAPA P KAY DARREN ESPANTO, MAY MALISYA NGA BA?

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
No description available.
No description available.

USAP-USAPAN ngayon sa social media sina Piolo Pascual at Darren Espanto. Viral kasi ang video nila kung saan nakikita silang nagsasayaw sa tila isang bar na binigyan ng malisya ng ilang netizens. Na ayon sa mga ito, iba ang tingin ni Papa P kay Darren. To the rescue naman si Ogie Diaz sa kaibigang si Papa P. Sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog na Showbiz Update ay ipinagtanggol niya si Piolo. Sabi ni Ogie, “Itong si Darren at si Papa P. binigyan ng malisya porke natitigan lang ni Papa P si Darren habang sila ay nagsasayaw ng pababa. Tapos ayan, binigyan na ng malisya na para raw sa tinginan e may something? So paano kung babae ‘yun? Ganoon din. Paano kung si Shaina [Magdayao] ‘yun? Ganun din,” dagdag pa ni Ogie.

Sey pa ni Ogie, parang anak-anakan na ni Piolo si Darren. “Si Kyle Echarri nga meron silang movie. Gano’n lang. Dyos ko, ilang taon na si Iñigo, parang ganoon lang rin,” aniya pa. Ang Inigo na tinutukoy ni Ogie ay ang anak ni Piolo “Ibig sabihin ‘pag inakbayan ko yung isang artistang gwapo na lalaki mayroong pagtatangi na ako? Di ba pwedeng anak-anakan lang?” sey pa ni Ogie. “Hangga’t hindi n’yo nakikita na nagkakatalamitam yan, wala tayong dapat na isiping masama o malisya.” Tama naman si Ogie,di ba?

No description available.
No description available.

make ‘peace’ sa anak… SHARON CUNETA, HUMINGI NG SORRY KAY KC CONCEPCION

SA katatapos lang na concert ng dating magka-loveteam at dati ring mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion billed as Dear Heart, ay humingi ng sorry ang Megastar sa panganay na anak na si KC Concepcion na nagkaroon ng special participation sa kanilang concert. Sabi ni Sharon kay KC bago sila kumanta, “I have a song for KC, you (Gabby) have a song for KC. Usually this song is a love song for weddings, for someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter. I have four children. I do not have three. I have four. The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. And if there’s anything that I regret, sorry, we couldn’t give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I, we never stopped loving you. You were never the problem.” Kasunod nito, nagsabihan naman ng “I love you” ang mag-ina.

Hirit na tanong naman ni Gabby, “Okay na kayo ha? Alam ninyo ho, makita ko lang silang okay, okay na ako. I’m happy.” Kinanta nina Sharon at KC ang “Ikaw” habang kasama pa rin nila si Gabby sa stage. Sa kalagitnaan ng kanta, ay hindi na napigilan ni Sharon ang maiyak Kumuha naman ng tissue si Gabby at pinunasan ang luha ni Sharon kaya sigawan at palakpakan ang audience. Nag-thank you naman sj Sharon sa ginawa ng dating asawa. Sabay hirit naman ni KC ng, “Grabe para naman akong nasa isang panaginip.” Nalapitan ni KC si Gabby at niyakap at sabay na lumapit kay Mega. Nang matapos ang kanta muling nag-hug ang mag-ina. Nag-dialogue si Sharon sa kanyang ex-husband ng, “Sumali ka na nga dito. Ginawa natin ito, e.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *